Isang nakakagulat na pangyayari ng isang ina, matapos malaman na ang kanyang magiging daughter-in-law ay ang kanya palang nawawalang anak!

Isang nakakagulat na pangyayari ng isang ina, matapos malaman na ang kanyang magiging daughter-in-law ay ang kanya palang nawawalang anak!


Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap sa isang kasalan sa isang lugar sa Suzhou, China. Ito ay matapos malaman ng ina ng groom na ang babae palan

Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.
Isang nag-Top 3 sa Licensure Examination for Teacher ngayon ang nagligtas sa kanyang paraalan. Alamin kung bakit!
A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.

Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap sa isang kasalan sa isang lugar sa Suzhou, China. Ito ay matapos malaman ng ina ng groom na ang babae palang pakakasalan ng kanyang anak ay ang kanya palang nawawalang anak na babae. Ayon sa mga lumabas na mga balita sa, nagsimula daw umano ang lahat ng makita ng naturang ina ang birth mark sa kamay ng bride. Kaya naman nang makita ito ng ina ng groom sinabi niyang ito ang tanging palatandaan ng kanyang anak na babae matapos itong mahiwalay sa kanya ng maraming taon. Para magkaroon ng kasagutan ang kanyang paghihinala ay naglakas loob siyang tanungin ang mga magulang ng bride, “Did you, by any chance, adopt your daughter?”

At laking gulat ng mga magulang ng bride sa kanilang narinig mula sa ina ng groom, dahil ayon sa kanila ay wala daw kahit sinong nakakaalam na hindi nila mismong anak ang naturang bride. Dito na ipinagtapat ng mga magulang ng bride na natagpuan daw nila ang babae sa kalsada mahigit 20 taon na ang nakakalipas, kanila daw itong inampon at kinupkop ang babae at itinuring nila itong tunay na anak. Nang sabihin na ang totoo ng adopted parent’s ng bride ang buong pangyayari, ang bride at ang kanyang tunay ay biglang nagyakapan at nag-iyakan. Ang pangyayaring naganap sa mismong kasal ay nasaksihan ng mga bisita at maski sila ay hindi rin napigilan ang maiyak sa nangyari. Samantala, may gustong malaman naman na kasagutan ang bride kung yung lalaking pakakasalan ba niya ay kanyang kapatid?

Kaya naman labis naman ang tuwa at pasasalamat ng bride at groom dahil hindi pala sila tunay na magkapatid. Ayon sa tunay na ina ng bride matapos raw siyang mawalan ng pag-asa na makita pa ang kanyang nawawalang anak ay inampon niya ang kanyang itinuturing na anak lalaki. Sa kabila ng nakakagulat na mga eksena ay tuloy pa rin ang kanilang kasal. Ang lahat naman na naroroon sa kasal ay hindi makapaniwala sa kanilang mga nalaman. Ngunit kalaunan naman ay naging mas masaya ang kasal dahil hindi lang ang okasyong kasal ang kanilang pinagdiriwang kundi ang muling pagsasama at pagkikita ng naturang tunay na ina at ang kanyang nawawalang anak.

 

COMMENTS