Ito ang nangyari sa isang birthday celebrant nang pabiro itong isinubsob sa kanyang birthday cake!

Ito ang nangyari sa isang birthday celebrant nang pabiro itong isinubsob sa kanyang birthday cake!


Nauuso sa mga pagdiriwang ng kaarawan ang paggawa ng mga pastry kagaya na lamang ng cake at cookies. Lalo pa’t pwede itong personalized ng iba’t ibang

8 Ideya sa pagse-celebrate ng Valentines ngayon panahon ng pandemya.
Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!
Nakaipon ng mahigit 1 milyong piso ang isang OFW itong matapos nitong ihinto ang kanyang mga bisy0!

Nauuso sa mga pagdiriwang ng kaarawan ang paggawa ng mga pastry kagaya na lamang ng cake at cookies. Lalo pa’t pwede itong personalized ng iba’t ibang flavor at design. Kasabay ng mga cake na ito ang hindi nawawalang sorpresa sa loob nito na minsan hindi natin inaasahan na may dala rin pala itong hindi maganda sa ating pagdiriwang.

Tulad na lamang ng ibinahagi sa Facebook page ng Chef lik.lk, kung saan makikita sa larawan ang isang cake na may nakalagay ng maliliit na stick sa gitna nito. Kadalasan ang mga stick na ito ay inilalagyan ng mga icing upang maging balanse ang disenyo ng cake. Sa isa pang sumunod na larawan ay makikita ang isang babaeng pabirong sinubsob sa kanyang naturang birthday cake.

Dahil sa kanyang pagsubsob hindi sinasadyang matusok ang kanyang kabilang mata sa stick na nasa cake. Ang mga ganitong uri ng naturang katuwaan ay nauwi sa hindi magandang pangyayari, dahil imbis na kasiyahan ang dala ng pagdiriwang na ito ay isang panganib ang naidudulot nito.

Ayon pa sa caption ng post na ito, “There are pastries that place chopsticks inside the cakes, so think twice before you push someone’s head into celebrations.”

Makikita rin ang mukha ng naturang babae na natusok ng stick ang kanang bahagi ng kanyang mata. Mabuti na lamang at naagapan kaagad ang nangyari sa kanya at nabigyan ng lunas ang kanyang mata.

Kaya naman ang ibinahaging potst ay isang paalala sa bawat isa laging mag-ingat sa paghawak ng mga cake o anumang iba pang mga uri ng pastry. Upang maiwasan rin ang panganib at maging masaya pa rin ang pagdiriwang ng kaarawan.

 

 

COMMENTS