Faith Da Silva, bago nga bang pag-ibig ng batikang aktor na si Albert Martinez? Sa kabila ng kanilang age gap.

Faith Da Silva, bago nga bang pag-ibig ng batikang aktor na si Albert Martinez? Sa kabila ng kanilang age gap.


Ang bagong aktres na si Faith Da Silva ay nagbigay na kanyang pahayag patungkol sa relasyon di-umano ng napaka-gwapong batikang aktor na si Albert Mar

Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.
Alden Richards’ charity works surprises the public after Lolit Solis reveals that he built a school for Mangyan children.
US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.

Ang bagong aktres na si Faith Da Silva ay nagbigay na kanyang pahayag patungkol sa relasyon di-umano ng napaka-gwapong batikang aktor na si Albert Martinez. Naging usap-usapan sila sa social media kamakailan lamang dahil sa unang pagkakataon na napabalitang may girlfriend na daw ngayon si Albert at iyon nga raw ang aktres na si Faith kung saan ito ang kanyang naging ka-love team sa bagong GMA drama series na ‘Las Hermanas’.

Ang batang aktres ay 20 taon lamang at ang batikang aktor naman ay nasa 60 taong gulang na. Malayo ang agwat ng kanilang mga edad ngunit hindi naman ito halata kay Albert dahil sa napaka-gwapo nitong mukha na tila hindi kumukupas. Ayon kay Faith, noong una raw talaga ay hindi siya nagbigay ng anumang pahayag tungkol sa kung ano ang totoong namamagitan sa kanila ng aktor. Hindi niya ito kinumpirma ngunit hindi rin naman niya ito itinanggi.

Sabi ng dalaga sa kanyang naging panayam sa GMA 7’s ‘The Boobay and Tekla Show’, “Nagulat ako but it’s not that I didn’t expect it kasi with our role kasi magiging partner ko siya dito sa Las Hermanas and siguro nakikita ng mga tao that you know we’re comfortable with each other.” Ibinahagi ni Faith na siya at si Albert ay naka-lock-in sa taping para sa ‘Las Hermanas’ nang lumabas ang mga balita patungkol sa kanila. Aniya, “Para sa aming dalawa naman kasi professional lang lahat. Walang ilangan. The fact na nakikita nung mga tao na okay yung chemistry namin together I think ‘yun yung mas importante sa amin.”

At nang tanungin daw kung ano ang naging reaksyon ng kanyang ina sa balitang ito inamin niyang nagulat raw talaga ang kanyang ina.  Paliwanag pa niya, “Nagulat siya and since alam naman namin ang totoo, hindi dapat mag-worry yung mga tao.” Dagdag pa ni Faith, “Nandun talaga siya para gabayan ako all the way.” Kaya naman magaan ang loob ng aktres sa batikang aktor at sa kanilang dalawa wala umano itong malisya dahil nagiging professional lamang sila sa kanilang mga trabaho.

COMMENTS