Jinkee Pacquiao, sisiguraduhin na kapag siya ang naging First Lady hindi siya magiging kagaya ni dating Imelda Marcos!

Jinkee Pacquiao, sisiguraduhin na kapag siya ang naging First Lady hindi siya magiging kagaya ni dating Imelda Marcos!


Ayon kay senador Manny Pacquiao na hinding hindi umano magiging kagaya ng dating first lady ng Pilipinas na si Imelda Marcos kapag siya umano ang mana

Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!
Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.

Ayon kay senador Manny Pacquiao na hinding hindi umano magiging kagaya ng dating first lady ng Pilipinas na si Imelda Marcos kapag siya umano ang mananalong Presidente ng Pilipinas sa darating na eleksyon.

Ito ang mga nabanggit ni Pacquiao sa naging virtual forum niya nitong November 4, na inorganisa ng Rotary Club of Manila. Ayon din kay Manny na nakatuon lamang silang mag-asawa sa mga charity work nito.

Ayon kay Pacquiao, “Tinitiyak ko ‘yan. Kilala ko yung asawa ko, hindi siya ganun. Ang gusto ng asawa ko, magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na yung mga mahihirap.”

Dagdag niya pa, “Gusto niya yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood. Gusto niya yung mga charity work.”

Nakilalang naging maluho ang dating first lady noong pangulo pa ang namayapang si Ferdinand Marcos Sr. dahil ayon napabalita ang kanyang pagkahilig sa mga mamahaling mga koleksyon ng mga sapatos, damit, alahas, at paintings.

Imedific din ang naging bansang noong sa first lady na ang ang ibig sabihin ay labis na pagpapakita ng marangyang pamumuhay.

Nakapanayam din si Pacquiao ng GMA news Online at dito sinisigurado niyang hindi magiging kagaya ni Jinkee si Imelda, at sinabi rin nitong walang interes ang kanyang asawa sa pulitika kahit na naihalal siyang gobernadora ng Sarangani noong 2013.

Ayon sa kanya, “Ang asawa ko po ay mahiyain at hindi po mahilig sa pulitika. Naging vice governor sa Sarangani tapos isang term lang hindi na po tumakbo, kasi kaya lang po naging vice governor yun dahil napilitan lang po siya.”

 

COMMENTS