Masayang ibinahagi ni Jimmy Santos ang pinasok niyang hanapbuhay na pag-uuling!

Masayang ibinahagi ni Jimmy Santos ang pinasok niyang hanapbuhay na pag-uuling!


Ang batikang komedyante at TV-host na si Jimmy Santos ay nag-eenjoy ngayon sa kanyang pagiging isang vlogger. Kahit na hindi na siya madalas mapanood

Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.
Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.
Hopia from ‘Going Bulilit’ looks incredibly stunning in her Prenup Shoot.

Ang batikang komedyante at TV-host na si Jimmy Santos ay nag-eenjoy ngayon sa kanyang pagiging isang vlogger. Kahit na hindi na siya madalas mapanood sa telebisyon patuloy pa rin siya sa pag-papasaya ng mga manonood sa pamamagitan ng kanyang mga YouTube vlogs.

Noon lamang ngang July 14, ibinahagi ng aktor ang kanyang masayang pakikisalamuha sa mga katutubo ng Angeles Pampanga City. Dito kanya ring ibinahagi ang kanyang naging karanasan kung paano ang gumawa ng mga uling sa isang bayan sa Pampanga. Masayang nakipag-kulitan si Jimmy sa mga residente at siya ay tinuruan kung paano ang gumawa ng kanilang mga produktong uling.

Sa kanyang vlog, ibinahagi niya kung gaano pala kahirap ang gumawa ng mga uling. Ayon pa sa kanya, “Yan ang isa sa kabuhayan nila dito sa kabundukan. Ang mga kapatid nating katutubo, nagdadamayan silang lahat para mas madali nilang magawa ang bagay na gusto nila gawin, ‘yung ikabubuhay nila.”

Sa naging panayam kay Jimmy sinabi niyang, “Shine-share ko lang ‘yung kaunting kaalaman ko at naikukuwento rin sa akin ‘yung tungkol dito sa Pampanga, ‘yung history.” Dagdag pa niya, “Ang pagba-vlog, hindi basta ganu’n lang eh. Kailangan meron ding sense na kailangang kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan.”

Sa kanyang vlog na ito maraming mga manonood ang kanyang na-entertained at umaabot ng 2.7 million viewers ang kanyang ginawang video. Dahil hindi lang basta pagpapasaya ang ipinakita dito ng komedyante kundi pati na rin ang kasaysayan ng lugar na halos hindi alam ng karamihan.

Narito ang iilan sa mga positibong komento na kanyang natanggap:

“Others say: Naghihirap na sya But for me: Ineenjoy nya lang buhay nya kasi patanda na siya, this is the best way to enjoy life out of showbiz. Idol jimmy santos keep healthy and godbless.”

“Ang dami ng nainvest tong si Sir Jimmy, humble lang talaga. Click bait lang yang title nya pero wala namang masama dun. Infact, very entertaining nga vlog nya eh. Hindi kagaya ng iba dyan na puros prank, pacute pota kakasawa hahaha”

“This is not just entertainment but this shows how our filipino family stay strong in this time of pandemic..thankyou sir Jimmy saints.”

“The legend comedian continues to entertain despite pandemic finds a way to make a living. What an inspiration to us all! Tawag dyan diskarte…salute to you bossing Jimmy!”

COMMENTS