Dating nagsisiksikan lamang sa maliit na kubo ang siyam na magkakapatid na ito, ngunit nakapagpatayo ng kanilang dream house para sa kanilang magulang!

Dating nagsisiksikan lamang sa maliit na kubo ang siyam na magkakapatid na ito, ngunit nakapagpatayo ng kanilang dream house para sa kanilang magulang!


Ika nga nila isa sa magagandang investment ay ang bahay at lupa dahil lumalaki ang halaga nito habang tumatagal ang panahon. Isa rin ito sa magagandan

Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!
Top-nocher ng dalawang beses sa board exam ang isang lalaki na tunay nagpahanga sa netizens!
Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen.

Ika nga nila isa sa magagandang investment ay ang bahay at lupa dahil lumalaki ang halaga nito habang tumatagal ang panahon. Isa rin ito sa magagandang investment na maibibigay natin para sa ating pamilya. Samantala, dahil na rin sa tumataas na presyo ng bahay at lupa kung titingnan parang napakahirap makapagpundar ng ganito lalo pa’t kung nasa minimum lamang ang sahod.

Samantala bukod sa bahay at lupa, ganoon din ang mga materyales na ginagamit sa pagpapagawa tumataas na rin ang presyo. At sa hirap at tagal ng ana pagpapagawa ng bahay kadalasan inaabot ito ng taon bago matapos.

Ngunit, sabi nga nila walang impossible kung hindi pagsisikapan na maitaguyod ang anumang bagay ang inaasam sa buhay. Tulad na lamang ng magkakapatid na ito na naging inspirasyon ang kanilang mga magulang upang mabigyan katuparan ang kanilang pinangarap na bahay.

Sa isang Facebook group na Home Buddies, isang netizen na kinilalang si Sar Calva ang nagbahagi ng isang larawan ng munting kubo nila noon kung saan siyam silang magkakapatid ang nagkasyang tumira dito kasama ang kanilang mga magulang. Ayon kay Sar, pinangarap daw umano nilang magkaroon ng sarili nilang bahay na kanilang maituturing na dream house.

Kaya naman nagsumikap silang magkakapatid na kahit sa kabila ng kanilang kahirapan ay hindi ito naging hadlang upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral. Siya at kanyang mga kapatid ay nagpursige sa buhay para sa kanilang mga magulang na walang pagod na sumusuporta sa kanilang magkakapatid.

Kaya nga hindi nagtagal ang kanilang pagsusumikap ay nagbunga rin ng maganda dahil nakapagpundar sila ng kanilang sariling tahahan kung saan ito ay kanilang pinag-iponan at pinasumikapan na ipagawa para sa kanilang mga magulang.

Ayon pa sa mga magkakapatid, hindi man nasaksihan ng kanilang mga magulang na makumpleto ang kanilang dream house ay tiyak na masayang-masaya naman ito para sa kanila na sa wakas ay natupad na rin ang kanilang matagal nilang pinapangarap. Ang kanilang dream house ay mayroong tatlong palapag kung saan mayroon pa silang napakagandang roof deck. Pinatunayan ng magkakapatid na walang imposible sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, lalo na sa mga taong punong-puno ng pagmamahalan at nagtutulungan ang bawat isa maabot ang kanilang mga pangarap.

 

COMMENTS