Herlene Budol, ipapakita ang kanyang ‘Tempura Walk’ sa darating na Binibining Pilipinas 2022.

Herlene Budol, ipapakita ang kanyang ‘Tempura Walk’ sa darating na Binibining Pilipinas 2022.


Kinaaabangan ngayon ng mga netizens ang pagsali ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang si ‘Hipon Girl’ sa beauty pageant ng Binibining Pilipinas

Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.
Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!
Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.

Kinaaabangan ngayon ng mga netizens ang pagsali ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang si ‘Hipon Girl’ sa beauty pageant ng Binibining Pilipinas 2022. Ibinahagi ngayon ni Herlene ang kanyang nakakapanabik na journey bilang isa sa mga kandidata. Excited ngayon si Herlene na ipakita ang kanyang natatanging kagandahan at angking galing upang matupad ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen.

Matapos makapasok ni Herlene sa official list ng top 40 ng Binibining Pilipinas mas dumami ang mga sumusubaybay sa kanya sa YouTube. Ayon sa kanyang mga taong sumusuporta sa kanya ay naniniwala silang mananalo si Herlene, dahil nakikita raw nila umano na pursigido ito na matuto at malaki na rin ang pinagbago nito kung saan kitang-kita ang kanyang glow-up transformation.

Sa naging panayam kay Herlene, sinabi niyang hindi niya pa rin isasantabi ang kanyang personalidad bilang si ‘Hipon Girl’ lalo pa’t dito siya nakilala at sumikat. Ngunit, mas makilala pa raw nila siya bilang si Nicole. Aminado siya na noon pa man ay mahina na siya sa pagsasalita ng English kaya naman labis ang kanyang ginagawang paghahanda sa kanyang nalalapit na pagrampa.

Maliban sa kanyang paghahanda sa Q&A ay pinaghahandaan din niya ang kanyang rampa style kung saan ito ang kanyang magiging signature walk. Kaya naman inaabangan ngayon ng mga netizens ang kanyang natatanging “Tempura Walk” na talagang ikagugulat ng marami.

Dagdag pa ni Herlene ang kanyang pagsali ay isa sa mga magiging daan upang kanyang mapatunayan ang kanyang sarili na kaya niyang maabot ang pangarap.

 

 

COMMENTS