Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanyang mga throwback pictures nang kanyang pagsali sa ‘Miss General Santos 1996’ beauty pageant.

Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanyang mga throwback pictures nang kanyang pagsali sa ‘Miss General Santos 1996’ beauty pageant.


Ang sikat na TV personality na si Jinkee Pacquaio, ay nagbahagi ng kanyang mga throwback photos nang siya ay sumasali sa ‘Miss General Santos 1996’ be

Julia Barretto, sinabing huwag munang mag-girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia!
Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.
Faith Da Silva, bago nga bang pag-ibig ng batikang aktor na si Albert Martinez? Sa kabila ng kanilang age gap.

Ang sikat na TV personality na si Jinkee Pacquaio, ay nagbahagi ng kanyang mga throwback photos nang siya ay sumasali sa ‘Miss General Santos 1996’ beauty pageant. Si Jinkee ay kilalang-kilala na ng mga tao dahil bukod sa kanyang pagiging TV personality, isa rin siyang film producer, at naging former politician ng Saranggani.

Siya ngayon ay isa sa mga sikat na product endorser, dahil na rin sa kanyang pagkahilig sa fashion kagaya na lamang ng kamakailan lamang niyang naging cover sa luxury magazine. Nagiging maugong na naman ngayon ang pangalan ni Jinkee sa social media, dahil sa pangba-bash na naman sa kanya patungkol sa larawan niyang ikinumpara sa aktres na si Kristine Hermosa-Sotto.

Ito ay ang naging prangkang komento sa kanya ni Cristy Fermin sa naging talk show nito na ‘Cristy Ferminute’, nag-react ang batikang kolumnista sa mga komento ng mga netizens at sinabi na kahit anong gawin ni Jinkee ay hindi siya magiging kamukha ni Kristine.

Dahil sa isyung ito, nagbahagi si Jinkee kamakailan lamang ng kanyang mga larawan ng siya sumasali pa sa mga beauty pageant noong kabataan pa niya. Ang mga larawang ito kuha mismo ng siya sumali sa ‘Miss General Santos 1996’. Makikita sa larawan ang natural na kagandahan at kaseksihan noon ni Jinkee kaya naman hindi impossible na siya ay ipinanglalaban sa mga beauty pageant.

Sa kanyang Instagram post na may caption na, “Wow. A blast from the past. Memories. That’s me 25 years ago. (Miss Gensan 1996)”. Ito ay isa lamang patunay na mayroon din naman talagang angking kagandahan si Jinkee, kahit na dumaan siya sa mga beauty regime ay hindi pa rin naman maikakaila ang kanyang natural na ganda. Sa mga isyung ito, nananatiling tahimik si Jinkee.

COMMENTS