Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!

Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!


Sa kabila ng isyung paglipat ni Bea Alonzo ng kabilang network, usap-usapan naman ngayon ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Kamakailan nga lama

Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.
Bea Alonzo at Dominique Roque, sweet sa kanilang hiking trip sa Yosemite National Park.
ABS-CBN Leading Personalities who shifted to two Rival TV Station after it’s shutdown

Sa kabila ng isyung paglipat ni Bea Alonzo ng kabilang network, usap-usapan naman ngayon ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Kamakailan nga lamang ay naging sentro din ng usapan ang napapabalitang pagkakaroon umano ng relasyon ng aktor na si Dominic Roque kay Bea. Kaya naman ang kanilang mga fans ay super kilig ngayon sa kanilang tunay na ‘in a relationship’ status.

Sobrang saya naman ngayon ng celebrity couple, lalo pa’t nakilala na ni Bea ang pamilya ni Dominic. Dahil nakilala na ni Bea ang lola ni Dominic na si Zeny Tamayo, nagkaroon sila ng pagkakataong makilala ang bawat isa noon lamang June 2021, bago pa man lumipad sina Dominic at Bea sa bansang Amerika para sa isang maikling bakasyon.

Ang pagkikitang ito ay nakuhaan ng aktor ng larawan at naibahagi niya sa kanyang Instagram stories. Ang kanilang mga tagahanga ay nakuhaan ito ng isang screenshot bago pa man ito mawala, at nai-upload itong muli sa kanilang mga account. Sa katunayan, ibinahagi din ng kanilang mga tagahanga ang larawan ng lola Zeny ni Dominic noong dalaga pa lamang ito. At makikita sa larawan na talagang napakaganda at kaakit-akit ang kagandahan ng kanyang lola na tila may pagkaka-hawig ito sa kanyang girlfriend na si Bea.

Kaya naman ang mga netizens ay namangha sa hitsura ng lola ni Dominic at ni Bea dahil labis ang kanilang pagkaka-hawig. Kung titigan ng mabuti ang kanilang larawan talagang mapag-kakamalan na parang sila ang mag-lola. Kung kaya’t ang mga tagahanga ng celebrity couple ay nag-upload sa Instagram ng larawan ni Bea at ng lola Zeny ni Dominic, kung saan magkatabi ang lumang larawan nito at ang larawan ng aktres.

Sa naging panayam ng PEP.ph kay Bea ipinahayag niyang nakilala na niya ang mga kamag-anak ni Dominic, bukod sa Tita nito na si Bet Tamayo. Ayon pa sa aktres, “Oo, nakilala ko na sila. Mabait sila. Mabuting mga tao,” ganito na lamang i-describe ni Bea ang pamilya ng kanyang kasintahan.

COMMENTS