Nakaipon ng mahigit 1 milyong piso ang isang OFW itong matapos nitong ihinto ang kanyang mga bisy0!

Nakaipon ng mahigit 1 milyong piso ang isang OFW itong matapos nitong ihinto ang kanyang mga bisy0!


Sa panahon ngayon mas maiging tayo ay nakakaipon upang sa panahon ng kagipitan tayo ay may nadudukot. Higit na kinakailangan ang tamang paggamit ng pe

Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.
Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Pinay OFW, pinamanahan ng dating amo ng 25-Million Pesos worth na ari-arian.

Sa panahon ngayon mas maiging tayo ay nakakaipon upang sa panahon ng kagipitan tayo ay may nadudukot. Higit na kinakailangan ang tamang paggamit ng pera, mas mabuting ito ay iniipon kesa winawaldas lang sa bisyo. Ganito na lamang ang ginawa ng isang OFW na nakaipon ng 1 milyong piso matapos nitong mag-diet, huminto sa paninigarilyo at paglalaro ng mga online games.

Siya ang OFW na si Neil Ryan Lorenzo, ang kanyang naipon ay umaabot ng tatlo at kalahating taon nang hindi niya binubuksan ang kanyang alkansiya. Ayon kay Neil, hindi siya makapaniwala nang dahil sa pagtigil niya sa kanyang naging bisyo at pag-aatupag sa pagdi-diet ay nakatipid siya ng 1 milyong piso.

Sa Facebook Page ng Peso Sense, kanilang ibinahagi ang malaking naging hamon ni Neil sa kanyang ginawang pagtitipid at pag-iipon. Dahil din sa ginawa niyang pagtitipid nagkaroon siya ng magandang pangangatawan.

Nakontrol niya ang kanyang sarili sa paggastos sa kanyang paninigarilyo at paglalaro ng online games dahil dumiresto sa kanyang alkansiya ang perang para dito. Labis na natuwa si Neil sa kanyang sarili kaya ibinahagi niya ang kanyang kwentong pag-iipon at maraming netizen ang humanga sa kanya.

Dahil sa kanyang natamasa, naisipan niyang ipa-raffle ang kanyang ibinahaging post. Noon lamang nakaraan bago mag pasko ay kanyang ipinamahagi sa mananalo ang 500sr o katumbas ng 6500 Php. Ito ay kanyang pina-raffle para makatulong na rin panghanda para sa darating na kapaskuhan. Sa kanyang naging post marami ang natuwa at sumali rito.

Dagdag pa ni Neil, sa kanyang pag-uwi ay babahaginan niya ang kanyang pamilya ng perang kanyang naipon lalo na simbahan ng kanyang ina at pati na rin ang mga pulubi ay bibigyan din niya. Naging maganda ang adhikain ni Neil sa kanyang pag-iipon hindi lang para sa kanyang sarili pati na rin para sa kanyang kapuwa.

COMMENTS