Kilalanin si Lea Dumortier ang kamukhang-kamukha ni Marian Rivera, na pina-wow ang mga netizens!

Kilalanin si Lea Dumortier ang kamukhang-kamukha ni Marian Rivera, na pina-wow ang mga netizens!


Sa dinadami ng tao sa mundo lahat tayo ay may pagkakataon na magkaroon ng kamukha. Kaya naman nakakamangha kung ang ating magiging kamukha na tao ay t

Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanyang mga throwback pictures nang kanyang pagsali sa ‘Miss General Santos 1996’ beauty pageant.
Bianca Manalo may sagot na sa issue na buntis daw sya.
Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!

Sa dinadami ng tao sa mundo lahat tayo ay may pagkakataon na magkaroon ng kamukha. Kaya naman nakakamangha kung ang ating magiging kamukha na tao ay talagang kalook-alike natin kahit saang anggulo man tingnan. Katulad na lamang ng aktres na si Marian Rivera na viral ngayon sa social media ang kanyang super kalook-alike na isang dalagang French-Taiwanese.

Ang dalagang ito ay kinilalang si Lea Dumortier 18-taong gulang, agaw-pansin siya ngayon sa social media dahil inihahalintulad siya sa award-winning actress at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kapansin-pansin kasi ang mga TikTok videos ni Lea kung maraming netizens ang nagsasabing kamukha niya ang aktres.

May mga netizens din na kinukumbinsi siyang mamasyal dito sa Pilipinas o di naman kaya’y mag-audition para mag-artista. Pero dahil nga pandemya mukhang malabo pa itong mangyari at kung sakaling matuloy man ito kailangan muna ni Lea ang matutong magsalita ng tagalog.

Kasalukuyang nakatira ngayon sa bansang Amerika ang dalaga. Samantala bukod  sa aktres na si Marian Rivera, marami din ang nagsasabi na kahawig din niya ang mga aktres na sina Carla Abellana, Kristine Hermosa at ang misis ni Alfred Vargas na si Yasmin Espiritu.

Gumawa si Lea ng isang video kung saan may caption itong, 𝔞 𝔢 𝔦 𝔬 𝔲, because I get so many Marian Rivera comments, maybe I’m secretly her daughter.” Dahil dito umani siya ng mga nakakatuwang komento mula sa mga netizens pati na rin ang kanyang mga larawan na ibinabahagi sa social media. At talagang napa-wow ang mga netizens dahil talagang kamukha-kamukha niya ang aktres, na tila version Marian noong kabataan pa niya.

Katulad na lamang ng mga komentong ito:

“Ang bilis naman ng panahon ngayon at ang laki na kaagad ni Maria Letizia parang kelan lang noong buhat buhat kapa ng iyong ama na si Dingdong.”

“Bukod sa ilong parang si Marian Rivera talaga, mini version at payat version ni Marian Rivera, masaya siguro pag nagkita sila sa personal no. Sana makabisita siya sa Pilipinas para kung sakaling hindi pwede si Marian sa tap𝔦ngs siya muna pumalit. HAHA.”

“Hala pati katawan pareho kayong seksi, sinalo niyo na lahat ng kagandahan, nung kasi nagbuhos ang taas ng kagandahan nakapayong siguro ako noon. Char!”

COMMENTS