Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.

Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.


Ang beteranang TV host-writer at manager na si Lolit Solis hindi pinalampas ang pagbabahagi niya patungkol sa pangungutang sa kanya ng aktor na si Mar

Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”
Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Ang beteranang TV host-writer at manager na si Lolit Solis hindi pinalampas ang pagbabahagi niya patungkol sa pangungutang sa kanya ng aktor na si Mark Herras. Sa kamakailan lang na online show ni Manay Lolit, kanyang ibinahagi ang naging pag-uusap nila ng kanyang talent na si Mark.

Ayon sa kanya, tumawag umano sa kanya si Mark para manghiram ng pera na nagkakahalaga ng Php30,000. Ang pangungutang na ito ni Mark ay sa kadahilanang para sa gatas na pangangailangan ng kanyang 6 months old na anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Nicole Donesa.

Sabi ng aktor kay Manay Lolit, “‘Nay, pambili ng gatas ng anak ko,”  na tila nakikiusap ito. Ngunit bago pa man siya pahiramin ng pera ni Manay Lolit ay nakarinig muna si Mark ng sermon mula sa kanya. Saad ni Manay Lolit, “Sabi ko talaga, Thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung PA, may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!”

Hanggang dumating sa puntong ikinumpara na ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck at lagi niyang ka-loveteam noon. Ayon ka Manay Lolit, ang layo na ang agwat ng buhay ni Mark ngayon sa karera ni Jennylyn sa showbiz. Na ngayon ang aktor ay halos wala ng mga proyekto sa telebisyon.

Samantala, para umano mapakalma siya ni Mark ay sinabi naman ng aktor ang magandang balita na magkakaroon na siya ng paparating na proyekto ngayong buwan ng Agosto. “Sa August pa kasi magsisimula ‘yung lock-in taping ko. By then, ‘Nay, makakaluwag-luwag na’ko. Don’t worry,” ika ng aktor. Pero si Manay Lolit, talagang hindi basta-basta nagpadala sa mga sinabi ni Mark at sinabi pa nitong huwag siyang pakakasiguro.

“Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga [pointing to her other male ward], nag-lock-in taping, nu’ng matapos, na-shelve ang project!’ Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!” sabi pa ni Manay Lolit.

At sa huli pinahiram pa rin naman ni Manay Lolits si Mark dahil hindi naman niya ito kayang tiisin na lang lalo pa’t ito ay kanyang alaga sa showbiz.

COMMENTS