Ina ni Sanya Lopez, naiintriga sa tunay na relasyon ng kanyang anak kay Gabby Concepcion!

Ina ni Sanya Lopez, naiintriga sa tunay na relasyon ng kanyang anak kay Gabby Concepcion!


Kinilig ang maraming manonood sa tambalang Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa GMA teleserye na “First Yaya”. Ang kanilang chemistry ay pumatok sa mga

Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz.
Emmanuel Pacquiao Jr., nagwagi sa kanyang sa ikalawang boxing fight, tila siya na ang susunod na Boxing Champ Manny Pacquiao!
Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”

Kinilig ang maraming manonood sa tambalang Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa GMA teleserye na “First Yaya”. Ang kanilang chemistry ay pumatok sa mga manonood kaya marami sa kanilang mga fans ang nagsasabing bagay silang real life couple. Kaya ang tanong ngayon ng karamihan may chance nga bang maging sila?

Sa isang panayam nga kay Sanya sa programang “Mars Pa More” sa GMA News TV, sinabi niyang na pipiliin niya si Gabby kung tatanungin siya kung sino ang gusto niyang pagsilbihan dahil sa pag-aasikaso sa kanila kasama ang cast ng “First Yaya” noong bumisita sila sa rest house ni Gabby sa Batangas.

Pagkukwento ng aktres, “Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. Grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. Everyday yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga, pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto karin niya.”

Ayon pa sa kanya, matagal na raw pangarap ni Gabby na magkaroon ng sarili niyang beach house at ito ang naipatayo niya sa Lobo, Batangas. Ang naturang beach house ay hindi naman kalayuan sa Manila kaya kahit anong oras ay pwede siyang makapunta dito. Ito rin daw ang nagsilbing unwinding place ng aktor kapag gusto nitong magrelax lalo na kapag pagod siya sa kanyang mga tapings.

Dagdag pa ng aktres, kahit na nagtapos na ang kanilang teleserye ay madalas pa rin daw silang nagkaka-usap. Ibinahagi rin ni Sanya na sinubaybayan ito ng kanyang ina at tinanong din siya kung sila na nga ba ng aktor.

Sagot naman ni Sanya, “Ang una niyang tanong sa akin, kayo naba? sabi ko Ma? wait lang Ma! Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. Sabi niya sa akin, so ano yang feeling na na-kiss ka ni Gabby? Sabi ko ‘Mommy, nakaka-kilig until now, sabi kong ganun sa kanya.”

Tinanong din siya ng kanyang ina kung anong feeling na mahalikan ni Gabby Concepcion. Kinikilig namang sinagot ng aktres na nararamdaman daw siya ng kili sa kissing scene nila ni Gabby. Ayon pa kay Sanya ay matagal na siyang may paghanga sa aktor at noong nalaman niyang siya ang makakapareha niya sa kanilang teleserye ay mas lalo pa siyang kinikilig.

Mukhang bagay naman silang dalawa? Kayo ano sa tingin niyo? Magbigay lang ng inyong komento sa ibaba.

COMMENTS