Isang dating Vice Mayor ng Victoria, Laguna noon ay naging isang sepulturero na lamang ngayon!

Isang dating Vice Mayor ng Victoria, Laguna noon ay naging isang sepulturero na lamang ngayon!


Wala talagang makakapagsasabi ng kapalaran buhay ng tao, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa rurok tayo ng tagumpay. Isa na rito ang naging k

Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.
Domestic abuse survivor finds the right kind of love in the man who saved her.
Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.

Wala talagang makakapagsasabi ng kapalaran buhay ng tao, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa rurok tayo ng tagumpay. Isa na rito ang naging kwento ng naging dating Vice Mayor ng bayan ng Victoria, Laguna na hindi kalaunan ay naging isang sepulturero na lamang. Siya ang kinilalang si Jaime Sancon isang dating lingkod bayan at itinuring na pangalawang ama ng bayan ng Victoria, Laguna na isang tagalinis na lamang ngayon ng sementeryo.

Sa pagbabahagi ni Jaime ng kwento sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’, isang nakakaantig na dahilan kung bakit niya tinanggap ang trabahong maging isang sepulturero. Ayon kay Jaime, taong 1992 nang siya ay nanalo bilang Vice Mayor ng bayan ng Victoria, Laguna.

Samantala bago pa man siya tumakbo bilang isang Vice Mayor, sila ng kanyang pamilya ay nakakaluwag na sa buhay sa katunayan nagkaroon pa sila ng sarili nilang mga negosyo noon kagaya na lamang ng rice mill, itikan at gasolinahan. Nakatira rin sila sa isang marangyang mansyon noon, kaya naman dahil sa estado nila sa buhay kaya nakumbinsi siyang tumakbo sa politika.

Aniya pa, noong siya ay naging isang Vice Mayor lagi siyang binibisita ng mga taong walang-wala sa buhay kaya naman sa tuwing siya ay nakakatulong nakakaramdam siya ng kasiyahan. Subalit dahil na rin sa nangyaring hindi maganda sa kanyang asawa ay nagsimula na silang maghirap, dahil nalubog umano sa sugal ang kanyang asawa kaya lahat ng kanilang ari-arian ay naibenta ng kanyang asawa.

Dahil sa sakit ay lumisan ang kanyang asawa kaya lahat ng responsibilidad ng kanyang asawa sa mga pinagkautangan nito ay siya na ang humarap. Kaya noong siya ay inalok ng trabaho sa munisipyo bilang isang sepulturero ay buong puso niya raw itong tinanggap upang araw-araw niyang madalaw ang kanyang yumaong asawa. Para na rin maipadama niya sa kanyang namayapang asawa na kahit ganoon ng nangyari sa kanilang buhay kailanman ay hindi niya ito sinisisi.

Kaya sa bawat araw na siya ay nagtatrabaho sa sementeryo lagi niyang pinaparamdam sa kanyang asawa kung gaano niya ito kamahal. Ito ang malalim na dahilan kung bakit hindi tinanggihan ni Jaime ang trabahong maging isang sepulturero. Masakit man para sa kanyang pamilya ang nangyari sinusuportahan lamang daw nila ito dahil alam nilang isang mabuting ama at lingkod bayan si Jaime.

 

COMMENTS