Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!

Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!


Sa latest vlog ng Kapuso TV-actress na si Jennylyn Mercado masaya niyang ibinahagi ang kanyang panganganak. Sa kanyang vlog, isang nursey room tour la

Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.
TINGNAN: Ang napakagandang maternity photoshoot ng celebrity mom na si Jennylyn Mercado na classical painting ang dating.
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia

Sa latest vlog ng Kapuso TV-actress na si Jennylyn Mercado masaya niyang ibinahagi ang kanyang panganganak. Sa kanyang vlog, isang nursey room tour lamang ang kanyang ibabahagi ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging biglaang panganganak ito.

Ayon kay Jennylyn, bukod sa kanilang nursery room tour magpapa-check up lang din daw dapat siya ngunit hindi daw niya inaasahan na manganganak na daw pala siya. Aniya, “Checkup lang dapat kami ngayon e, bigla na lang kaming manganganak na daw. Hindi kami ready.”

Kaya naman sa kalagitnaan ng kanyang vlog nasorpresa ng aktres ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Kasama naman ni Jennylyn ang kanyang asawang si Dennis Trillo na talagang kinakabahan sa panganganak ng aktres. Sa kanilang vlog, ipinakita ni Dennis ang isang larawan na black-and-white kung saan napapaligiran si Jennylyn ng mga doktor habang siya ay nanganganak.

Gayunpaman, makikita ang kasiyahan sa mag-asawa kung gaano sila kasabik na makita ang kanilang anak. Samantala, excited naman ang kanilang mga fans na masilayan ang kanilang unica hija.

Narito ang iilan sa mga masasayang komento para sa celebrity couple:

“Nakaka excite nmn na lumabas at makita ka baby girl:). Praying na normal delivery ang panganganak mo ate Jen and also healthy & safe kayong dalawa ni baby”

“We are so excited for your beautiful baby girl. We pray for your normal delivery we pray for healthy and normal baby.”

“Congrats ate Jennylyn and to the both of you excited to see your first baby stay safe and healthy for you and to both of you and to the baby waiting!”

 

COMMENTS