Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.

Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.


Ang batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay nagbigay ng kanyang patutsada sa nangyaring panganganak ng singer-actress na si Angelin

Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”
Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Ang batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay nagbigay ng kanyang patutsada sa nangyaring panganganak ng singer-actress na si Angeline Quinto. Kamakailan lamang ay nanganak na ang singer-actress ng isang healthy baby boy na pinangalanan niyang Baby Slyvio. Sa panganganak ng aktres marami ang bumati ang sa kanya mula sa kanya mga tagahanga ganun rin sa kanyang mga kaibigan sa showbusiness. Dahil naging mabuti at maayos ang kanyang naging panganganak.

Ngunit tila hindi naman nagustuhan ni Manay Lolit ang ginawang pagu-update ni Angeline sa kanyang pagla-labor kung saan ibinahagi pa niya ito sa kanyang social media account. Ayon sa kolumnista, tinawag niyang ka cheap-an at kulang umano sa pansin ang singer-actress. Aniya, “Ewan ko Salve pero parang KSP o kulang sa pansin ang dating sa akin ng mga gimmick ni Angeline Quinto. Hindi mo alam kung ano ba ang gusto niya maging reaction ng tao sa mga posting niya ng pre at after delivery moments niya.”

Dagdag pa nito, sa tingin niya hindi naman raw excited ang mga netizens sa paglabas ng kanyang anak kaya naman hindi daw niya mapoint-out kung ano ang purpose ni Angeline kung bakit niya pa ito ibinabahagi. Saad pa ni Manay Lolit, “Parang hindi naman ganuon ka excited ang tao sa mga nangyayari sa buhay niya, kaya hindi mo feel kung ano ba ang purpose na lagi niya inilalagay sa social media iyon mga kaganapan sa buhay niya.”

Tinawag nga nitong cheap ang ginagawa ni Angeline, na kung titingnan naman sa kabilang banda ay wala namang masama sa ginagawa ng singer-actress.  Hirit pa ni Manay Lolit, “Baka naman hindi ko lang napupuna, pero parang ‘so what ‘ naman ang dating ng mga nakakapanuod ng mga posting niya. “Pag sobra kasing trying hard, mukhang cheap di ba ? Kasi kung talagang newsmaker ka ikaw ang hahabulin ng news, hindi ikaw ang nagbibigay nito.”

Sinabi rin nitong hindi naman daw maganda ang mga pictorial ni Angeline at wala naman daw itong dating. Ika niya, “Kahit iyon mga pictorial niya ba buntis siya, parang so, so lang ang dating, hindi pinag usapan. Kung ako si Angeline Quinto, hintayin mo na ikaw ang lapitan para sa news, hindi iyon gumagawa ka ng news. Very cheap ang dating di bah ! Hindi bongga.”

COMMENTS