Isang bride ang naiyak dahil sa naging simple nilang kasal, ang hinangaan at kinaantigan naman ng mga netizens!

Isang bride ang naiyak dahil sa naging simple nilang kasal, ang hinangaan at kinaantigan naman ng mga netizens!


Ang dalawang taong nagmamahalan kahit anong hirap ng buhay magkasama yan sa lahat ng bagay. Kaya na lamang sa pagpapakasal kung saan hindi ito nagigin

Single Man honored as “World’s Best Mommy”, stands as inspiration for parents of children with disabilities
‘Charity Bakeshop’ in Sultan Kudarat, Maguindanao, Philippines gives away free bread daily.
Guro na nagsuot ng Santa Claus costume at namigay ng regalo sa mga estudyante, nagtrending.

Ang dalawang taong nagmamahalan kahit anong hirap ng buhay magkasama yan sa lahat ng bagay. Kaya na lamang sa pagpapakasal kung saan hindi ito nagiging madali lalo na sa panahon ngayon. Hindi biro ang mga gastusin kapag nagpapakasal kaya naman ang iba ay nagiging praktikal na lamang, kahit minsan ay nauuso pa rin ang magagarbong kasalan. Dahil na rin sa hirap ng buhay, may mga magkasintahan pa rin na pinipili ang simpleng pagpapakasal.

Basta’t ang mahalaga ay ang kanilang pagmamahalan. Katulad na lamang ng magkasintahan na ito, na naging usap usapan ngayon sa social media dahil sa kanilang naging napaka-simpleng kasalan. Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Kenze Malmis Ponce, isang photographer na siyang kumuha mismo ng mga larawan kung saan makikita rito ang simpleng kasalanan na mag-asawang bagong kasal.

Ayon kay Kenze, matagal na di-umano nasubaybayan ang pagmamahalan ng magkasintahan. Dagdag pa niya, ang magkasintahan na ito ay matagal ng magkasama sa hirap na kanilang pamumuhay sa kabundukan. Ang naging simpleng kasalan ng magkasintahan ay tila nagpaantig sa puso ng mga netizens. Kahit mismo si Kenze, ay naiyak sa naging kagapanan ng kasalan habang kinukuhaan niya ito ng magagandang larawan.

Kitang-kita sa larawan, na ang bagong kasal ay nasa harap ng kanilang napakasimpleng handaan. Mapapansin rin sa kanilang hapag kainan ang mga simpleng mga pagkain na kanilang inihanda para sa kanilang mga bisita na nakalagay sa mahabang lamesa kung saan naroroon ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at softdrinks na para naman sa kanilang mga primary sponsors. Makikita rin dito ang napakasimple nilang dekorasyon at sobrang payak na kanilang naging selebrasyon.

Masarap rin sa pakiramdam ang venue ng kanilang kasal, dahil pwedeng makalanghap ng sariwang hangin at hindi nalalayo sa kanilang mga tahanan. Kaya mas lalo silang hinangaan ng mga netizens, dahil kahit simple lamang ang kanilang naging pagpapakasal, nababakas naman sa kanilang mga mukha ang kanilang kagalakan at tunay na pagmamahalan. Ito ay nagpapatunay na sa pagmamahalan hindi mahalaga ang karangyaan sa buhay, ang tanging mahalaga ay ang taong makakasama mo sa habangbuhay. Na siyang magbibigay ng isang buong masayang pamilya.

Nawa’y maging inspirasyon ang magkasintahan na ito, lalo na sa mga taong may balak magpakasal. Na laging isipin na hindi mahalaga ang magarbong salo-salo, dahil ang mahalaga mahal ninyo at isa’t isa at handang magdamayan sa bawat pagsubok na mararanasan sa araw-araw.

 

 

COMMENTS