Coleen Garcia, Hot Momma pa rin sa kabila ng pagiging Breastfeeding Mom!

Coleen Garcia, Hot Momma pa rin sa kabila ng pagiging Breastfeeding Mom!


Hindi pahuhuli sa kaseksihan ang celebrity mom na si Coleen Garcia kahit isa na itong mommy. Sa kabila ng pagiging full-time mom ni Coleen sa kanyang

Masayang ibinahagi ni Jimmy Santos ang pinasok niyang hanapbuhay na pag-uuling!
Mother-daughter celebrities na close na close at mukhang magkapatid lamang!
Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.

Hindi pahuhuli sa kaseksihan ang celebrity mom na si Coleen Garcia kahit isa na itong mommy. Sa kabila ng pagiging full-time mom ni Coleen sa kanyang anak na si Baby Amari hindi naman pinababayaan nito ang kanyang pangangatawan.

Sa kanyang Instagram account, flex na flex ni Coleen ang kanyang kaseksihan pa rin na kitang-kita naman sa kanyang abs habang nakasuot ito ng skimpy swimsuit. Matatandaan nga na matapos manganak ni Coleen kay Baby Amari noong September 2020 ay talagang nagsumikap ang aktres na maibalik ang kanyang dating pangangatawan.

Samantala, proud naman si Billy Crawford sa naging resulta ng fitness journey ni Coleen. Aniya pa, “Yung na kakahiya tabihan ang asawa dahil walang-wala ako niyan! You worked so hard and I’m so proud of you, sacrificing and continuously working hard to achieve the body you want!

“Nadamay na nga ako sa lagree mo, eh! But again you look amazing, Mommy. Love you so so much! BRAVO My everything.”

Ayon kay Coleen, malaki raw umano ang naitulong sa kanya ng Lagree fitness dahil sa mga itinurong work-out nito na talagang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng abs. Bagama’t halos flat ang tiyan ni Coleen, tulad ng ipinapakita sa larawang ito ng kanyang kinunan na “1 week postpartum,” ipinagpatuloy ni Coleen ang kanyang pag-eehersisyo sa loob ng anim na linggo pagkatapos manganak.

Nagsagawa siya ng rowing at indoor cycling, pati na rin ang ilang magaan na ehersisyo para sa kanyang abs. Kasabay ng kanyang work-out ay ang kanyang mga kinakain na rich in protein diet at malaki rin ang naitutulong ng kanyang pagbe-breastfeed dahil nagbu-burn umano ito ng 500 to 700 calories per day.

Kaya naman kahit full time breastfeeding mom si Coleen, hindi pa rin talaga nawawala ang kanyang alindog. Umani si Coleen ng mga paghanga mula sa kanyang kapwa mga artista at sa kanya na ring mga tagahanga at tagasuporta.

 

COMMENTS