“Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”, hinaing ni Sharon Cuneta kay PRD!

“Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”, hinaing ni Sharon Cuneta kay PRD!


Talagang ginulat ni Megastar Sharon Cuneta ang social media dahil sa kanyang post laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang facebook post, binati

ABS-CBN Leading Personalities who shifted to two Rival TV Station after it’s shutdown
Silipin ang amazing ‘Glow-Up’ ni Miss Everthing na pang beauty queen na ang ganda.
Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.

Talagang ginulat ni Megastar Sharon Cuneta ang social media dahil sa kanyang post laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang facebook post, binatikos niya ang pamumuno ng Pangulo dahil di-umano sa mga dumadaming mga ‘bastos’ at nawawalan na ng respeto ang mga tao sa bawat isa’t isa.

Saad ng Megastar, “I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.” Dagdag pa niya, “Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?”

Aniya pa, “Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang.” Todo ang kanyang pagpaparinig sa Pangulo lalo pa’t binanggit nito ang mga kontrobersiyal na ginawa nito kasama ang ang pahayag nito noon patungkol sa Diyos. Isinama din ng singer-actress ang kasalukuyang kontrobersiyal na trasaksyon sa pagitan ng Gobyerno at ng Pharmally Corp.

Ika pa niya, “Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “ST*P*D.” Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya.”

“Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo. Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda.”

Sabi pa ni Sharon, “Pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.”

Hinimok din ni Sharon na gumising na ang lahat ng tao dahil daw pinagtatawanan na daw ang Pilipinas ng ibang mga bansa. “Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!” sabi pa ng aktres.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit si Sharon noon sa pamilya Duterte. Ngunit, tila nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon ng kanyang pamilya sa mga ito dahil sa mga pambabatikos na natanggap niya sa social media. At isa rin sa maaring dahilan nito ay ang pambabatikos ni Pangulong Duterte sa kanyang asawa na si Presidential elect Senator Kiko Pangilinan na isa sa mga lider ng oposisyon.

 

COMMENTS