Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.

Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.


Kamakailan lang ay ibinahagi ng TV host-actress na si Mariel Padilla ang napakagwapo niyang delivery rider, ang kanyang asawa at veteran actor na si R

Mariel Padilla lumipad patungong Spain kasama ang dalawang anak, iniwan ang asawang si Robin Padilla sa kabila ng pangunguna nito sa Senatorial race!
Mariel Padilla, sinagot ang isyung bakit hindi Mama ang tawag sa kanya ng mga anak ni Robin Padilla sa dati nitong asawa.
AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng TV host-actress na si Mariel Padilla ang napakagwapo niyang delivery rider, ang kanyang asawa at veteran actor na si Robin Padilla. Dahil na rin sa pagpapasara sa ABS-CBN ang iilan sa mga artista ay nagpundar na lamang ng kanilang sariling mga negosyo upang sila ay kumikita pa rin kahit na wala silang mga TV projects ngayon. Isa na nga rito ang madiskarteng full time Mommy at asawa na si Mariel Padilla.

Nagpundar si Mariel ngayon ng isang food business kung saan ito ay pwedeng oderin online at idedeliver lang. Pero ang kaniyang delivery rider ay hindi isang rider ng mga kilalang courier company dahil ang kaniyang delivery rider ay ang kaniya mismong asawa na si Robin. Sa kanyang social media account ay proud na ibinahagi ni Mariel si Robin bilang kaniyang masipag at maasahang delivery rider. Sa post ng aktres na may caption na, “Aba eh kagwapo naman ng aking delivery guy!!!! Mga suki order na @cookinginafoodmarket but yes @robinhoodpadilla delivered for me today and my client was so happy.”

Ayon kay Mariel, umaabot ang kanilang delivery mula Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga hanggang Bataan. May libre pang picture taking si Robin Padilla sa mga customers ng kanilang food business na “Cooking Ina Food Market.” Makikita sa larawan na rider na rider ang dating ni Robin, at talagang nakapagwapo nito sa kaniyang suot na yellow uniform sa kaniyang pagde-deliver ng kanilang mga food orders. Bukod sa masarap na luto ni Mariel, maganda pa ang packaging ng food na dine-deliver ni Robin dahil hindi lang ito basta nakalagay sa styrofoam box, nakalagay pa ito sa eco bag na may larawan pa ni Mariel.

Ika pa ni Robin, “Mam Cha maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa @cookinginafoodmarket. Very loyal customer ang family ni mam. Las Piῆas po ang area ng delivery ko kahapon. Pasensya na po sa mga nag-antay sa Paraῆaque at Manila. Maraming salamat po sa mga order niyo. Next time ako na po ang kakatok sa inyong mga pinto. Ito pong muli ang moto ng ina nyo ang delivery service ng cooking ina niyo @marieltpadilla.”

Tunay ngang kahit artista ay nakikipagsapalaran sa pagnenegosyo upang kumita lamang sa kani-kanilang mga pamilya. At ang pagtutulungan nina Robin at Mariel ay isang magandang halimbawa ng pag-asenso.

COMMENTS