Daniel Padilla, viral ngayon dahil sa inis niya sa isang security personnel na naghawi sa kanyang mga fans!

Daniel Padilla, viral ngayon dahil sa inis niya sa isang security personnel na naghawi sa kanyang mga fans!


Viral ngayon ang aktor na si Daniel Padilla matapos nitong magalit ng sobra sa isang security guard nang hawiin nito ang mga fans ng aktor. Isa si Dan

Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia

Viral ngayon ang aktor na si Daniel Padilla matapos nitong magalit ng sobra sa isang security guard nang hawiin nito ang mga fans ng aktor. Isa si Daniel sa mga namamayagpag na aktor sa showbusiness ngayon, kung kaya’t kahit saanman siya ay maraming mga tagahanga at tagasuporta. Dahil na rin sa angking husay ni Daniel sa pag-arte bukod sa kanyang kagwapuhan at kakisigan ay talagang hinahangaan siya. Kaya hindi maikakaila na marami ang talagang pumipila sa kanya at inaabangan siya.

Kaya sa bawat lugar na pinupuntahan ng aktor ay paniguradong dinudumog siya ng kanyang milyong mga fans. Kung saan ang mga ito nakikipagsiksikan upang makalapit lamang o makapagpa-picture sa kanilang idolo. Samantala, dahil sa labis na pagsuporta ng kanyang mga tagahanga labis ang kanyang pasasalamat sa mga ito dahil sa kanyang mga tagahanga kung bakit nasa rurok siya ng kasikatan. Bilang pasasalamat na lamang din ng aktor ay madalas itong magpa-selfies sa kanyang mga fans at hindi rin ito naiilang na lumapit sa kanyang mga tagahanga.

Gayunpaman, parte ng kanilang kasikatan ang pagbibigay proteksyon sa kanila ng mga security personnel upang maiwasan na silang mga artista ay masaktan. Ngunit para kay Daniel, ay hindi ito naging alintana sa kanya dahil tulad ng pagmamahal ng kanyang mga fans sa kanya ay mahal niya rin ang mga ito. At pinatunayan nga ito ng aktor sa isang viral video sa YouTube kung saan makikitang nagngitngit sa galit ang aktor. Ito ay matapos umanong hawiin ng sobra ng isang security personnel ang isang fan na nais lamang magpalitrato kasama ang aktor.

Sa naturang video makikitang si Daniel naman mismo ang lumapit sa mga tao para mapagbigyan niya ang mga kahilingan na photo-ops ng mga ito. Pero habang naglalakad siya patungo sa sasakyan isang babae ang humahabol na bigla na lamang hinawi ng isang security personnel.

Dahil dito kitang-kita na nagalit ang aktor dahil hindi daw tama na halos masaktan na ang kanyang naturang mga fans para lang maprotektahan siya. Kaya naman ang ginawang pagtatanggol ng aktor sa kanyang fans ay umani ng papuri mula sa mga netizens dahil ipinakita raw ng aktor ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga tagahanga.

 

COMMENTS