Isang dalagang nag Top 1 ngayon sa Licensure Examination for Teachers, ay isa palang namasukan bilang isang Yaya para lamang makapag-aral!

Isang dalagang nag Top 1 ngayon sa Licensure Examination for Teachers, ay isa palang namasukan bilang isang Yaya para lamang makapag-aral!


Hindi nagpatinag ngayon sa hirap ng kanyang pinagdaanan ang nag Top 1 ngayon sa Licensure Examination for Teacher elementary level na si Maricris Coli

American boxer admits his inspiration for his career was Pacquiao’s rags-to-riches story
Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.
Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.

Hindi nagpatinag ngayon sa hirap ng kanyang pinagdaanan ang nag Top 1 ngayon sa Licensure Examination for Teacher elementary level na si Maricris Colipano na nagmula pa sa Brgy. Upper Natimao-an, Carmen, Cebu nito lamang March 2022 na board exam. Huminto man siya ng pag-aaral pagkatapos niyang makagraduate ng sekondarya hindi tumigil ang kanyang mundo para sa kanyang pangarap.

Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay namasukan muna siya bilang isang yaya upang siya ay makaipon para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ayon kay Maricris hindi raw nauwi sa wala ang kanyang mga sakripisyo dahil nasungit niya ang rating na 92.40 at siya ay nag-aral sa Cebu Technological University (CTU) Carmen Campus.

Puno ng inspirasyon ang buhay ni Maricris, dahil sa hirap ng buhay tanging pagsasaka lamang ang trabaho ng kanyang ama samantalang isang Barangay Health Worker naman ang kanyang ina. Pagkatapos ni Maricris na maka-graduate ng high school ay nagdesisyon siyang mamasukan muna ng trabaho dahil hindi kaya ng kanyang mga magulang na siya ay makapagkolehiyo.

Bukod sa pagtulong sa gastusin ng kanyang mga magulang, nag-ipon din siya para sa kanyang pag-aaral. Noong 2016, ay nakapag-enroll na si Maricris sa kolehiyo at nakapagtapos siya bilang isang Cum Laude. Sa panayam kay Maricris ng Cebu Daily News noong May 2, ikinuwento niya na nalaman lang niyang Top 1 siya dahil sa kanyang nakababatang kapatid na babae.

Aniya, “Ako gud dili man gud ko hilig anang Facebook ba, so wala gyud ko kabaw nga niadtong Biyernes ang resulta. Nag-online man akong manghod nya gi-chattan man siya sa akong classmate.”

“Pwerte nakong lipaya.”

Aminado si Maricris na may job offers na siyang natanggap mula sa kanyang school, at sa review center kung saan siya nag-enroll. Nangako rin ang kanyang unibersidad na pagkakalooban siya ng monetary reward dahil sa kanyang pagiging topnotcher.

Ngayong ay isa na siyang ganap na guro, ang goal ni Maricris ay magturo sa public school at habang hindi pa siya employed, magvo-volunteer teacher muna siya. Ika ni Maricris, “Ako sad gyung pangandoy kung makapasar ko nga mag-volunteer teacher bitaw. Kay nakasuway man ko ug ingon ana sir pag-fourth year nako ba.

“Nindot baya pod sa feeling nga makatabang sa mga bata ba nga dili kaayo ganahan mo-eskwela.”

 

 

 

COMMENTS