Dating nakatira sa squatter at nanghihingi lang ng pagkain sa kapitbahay ang nakapapundar ng sariling bahay para sa kanyang magulang!

Dating nakatira sa squatter at nanghihingi lang ng pagkain sa kapitbahay ang nakapapundar ng sariling bahay para sa kanyang magulang!


Isa sa mga pagsubok sa buhay ng tao ang mga paghihirap na pinagdadaanan. Dahil hindi naman lahat ng tao sa mundo ay ipinanganak na mayaman at hindi na

Celebrity Dingdong Dantes personally delivered parcels for his delivery service, DingDong PH
Working student noon na may apat na trabaho, proud graduate na ngayon.
Nahanap ang kanyang “Girl of his dream” sa pamamagitan lang ng Online video games

Isa sa mga pagsubok sa buhay ng tao ang mga paghihirap na pinagdadaanan. Dahil hindi naman lahat ng tao sa mundo ay ipinanganak na mayaman at hindi nakakaranas ng maagang paghahanapbuhay upang mabuhay lang. Ngunit, ika nga nila walang pagsubok sa buhay ang hindi nalalampansan dahil sa huli ito ay nagsisilbing aral sa atin upang magpatuloy sa buhay.

Isa na rito ang kwento ng isang netizen na kinilalang si Beverly Maquiñana, kung saan kanyang ibinahagi sa Facebook page ng Home Buddies ang kanyang nakaka-inspire na kwento. Ito ay sa kabila ng kahirapan ng kanyang pinagdaanan ay nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang na halos gumapang sa paghahanap-buhay para lang maitaguyod at mapag-aral silang magkakapatid.

Pagkukwento ni Beverly, lumaki sila sa squatter area sa Recto, sobrang pakikipagsapalaran umano sa kanila ang kanilang buhay noon para lang makadiskarte ng kakainin sa pang araw-araw, kaya naman sobrang payat pa niya noon. Naging inspirasyon niya ang kanilang kahirapan upang magsumikap at makaahon sa buhay.

Kung dati ay sa lapag lamang silang mag anak kumakain at nanghihiram lang siya ng bag at sapatos sa kapitabahay, dalawang beses rin silang nasunugan ng bahay. Naranasan din nilang manghingi ng pagkain sa kapitbahay para lang malagyan ng pagkain ang kanilang kumakalam na sikmura.

Kaya naman nagsumikap at nagpursige si Beverly na maka-pagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho upang makatulong sa kanyang mga magulang. Sa edad na 18 taong gulang ay nagtrabaho na si Beverly upang masuportahan ang kanyang pamilya. Hindi man naging madali sa kanya ang pakikitungo sa kanyang mga katrabaho noon hindi niya raw ito inintind. Dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kumita ng malaki para sa kanyang mga magulang at kapatid.

Saad ni Beverly, “Ang bata mo pa tapos natanggap ka agad dito?”, “Ganito ka lang eh, eto ako”, “You’ll never earn 6 digits.”

“I constantly challenged myself- I worked in Ph for about 4 years until the biggest US bank offered me a Project Manager role in HK.”

Dahil sa naging pagsusumikap niya napag-aral niya ang kanyang mga kapatid sa pribadong paaralan at nabigyan ng sariling bahay ang kanyang mga magulang.

“After 3 years sa HK nakaipon ako at nakapundar ng bahay at lupa para kila mama at papa. At the age of 25, nabigay ko na din yung regalong pinaghirapan ko for them, praise God!”

“From squammy sa Recto to HK, mga atembs! Sobrang naiyak ako nung pinakita ko kila mama yung offer, praise God tlga, kasi ang prayer ko lang was maka pagprovide ng enough para sa pamilya, pero He gave me more than what I prayed for,” dagdag pa niya.

Tunay ngang walang impossible kung magiging determinado sa buhay, walang pangarap ang hindi matutupad kung hindi pagsusumikapan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

COMMENTS