Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.

Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.


Kilala ang sikat na YouTube vlogger at aktres na si Ivana Alawi ganun din ang aktor na si Gerald Anderson. Marami sa kanilang mga fans ngayon ang nagt

Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.
Gerald Anderson, ipinasilip sa kanyang mga fans ang kanyang napakagandang beach resort, na isa sa kanyang mga investment.

Kilala ang sikat na YouTube vlogger at aktres na si Ivana Alawi ganun din ang aktor na si Gerald Anderson. Marami sa kanilang mga fans ngayon ang nagtataka kung bakit spotted na magkasama ang dalawa sa isang lugar sa Masbate.

Nagkalat sa social media ang larawan nila Ivana at Gerald na magkasamang bumaba ng eroplano. Kasama nila ang mga Kapamilya stars na sina Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito ito ay para sa kanilang bagong teleseryeng ‘A Family Affair’. Nilinaw naman ng dalawa na ito lamang ay dahil sa kanilang lock-in taping sa Masbate kaya sila ay magkasama.

Dito sa isang lugar sa Masbate ang location ng kanilang bagong TV project. Kaya naman marami sa mga fans ni Ivana ang nagbahagi ng kanyang mga kuhang larawan kung saan kasama niya mismo si Gerald.

Marami sa kanyang mga fans ang nakaabang sa casting ng kanilang bagong teleserye. Ito ang kanilang unang TV event at muling pagbabalik ni Ivana sa pag-arte sa telebisyon. Inanunsyo naman ni Ivana sa kanya mismong Instagram ang kanyang pagbabalik telebisyon.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi naiwasan ang pagpuna na dapat mag-ingat di-umano si Ivana kay Gerald, kung saan ang iba namang mga netizens ay agad na tinukso ang dalawa.

May nagsasabi ding paalaman na nga raw kay Julia Baretto dahil sigurado umanong baka mapalitan na siya ni Ivana. Ngunit sa isyung ito hindi naman na ito pinapansin ng dalawa.

Ayon pa sa mga balita, ang teleseryeng ito ni Ivana ang ipinalit sa nasimulang teleserye ni Bea Alonzo noon sa Kapamilya network. Kaya naman mas pag-iigihin ni Ivana ang kanyang karakter sa teleseryeng ito, upang mapatunayan na hindi lang sa pagvo-vlog siya magaling kundi pati na rin sa pag-arte.

 

COMMENTS