Heto na pala ang simpleng pamumuhay ng dating sexy-actress na si Rica Peralejo!

Heto na pala ang simpleng pamumuhay ng dating sexy-actress na si Rica Peralejo!


Nakilala noon ang dating sexy-actress na si Rica Peralejo sa showbiz bilang isang magaling na artista sa pinilakang tabing. Nag-umpisa ang kanyang act

Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.
“Pagganap ng Pinoy actress na si Chai Fonacier sa isang International Film na “Nocebo” nagpahanga sa maraming netizen”
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, hayagan na ang pag-amin ng kanilang tunay na relasyon: “Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako”!
Nakilala noon ang dating sexy-actress na si Rica Peralejo sa showbiz bilang isang magaling na artista sa pinilakang tabing. Nag-umpisa ang kanyang acting career ng siya ay naging bahagi ng “Ang TV” noong dekada 90’s. Isa siya sa mga inaabangan noon na aktres sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula.
Ngunit, sa gitnan ng kanyang kasikatan ay dumating sa punto na kinailangan niyang talikuran ang buhay pag-aartista upang mamuhay ng tahimik kasama ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso na si Joseph Bonifacio isang Christian Pastor. Nang sila ay nagsama marami na ang nag-iba sa aktres hindi lamang ang kanyang mga kilos kundi pati na rin ang kanyang mga pinaniniwalaan sa buhay.
Makikita sa kanyang mga social media account kung saan ibinabahagi niya sa kanyang mg fans ang masayang nangyayari sa kanyang buhay bilang asawa at ina. Wala man siya sa telebisyon labis pa rin siyang hinahangaan ng kanyang ng mga tagahanga dahil proud niyang ibinabahagi ang simpleng pamumuhay nila ng kanyang asawa kasama ang kanilang dalawang anak na sina Philip Nathaniel at Manu.
Sa mga ibinabahagi ni Rica kitang-kita na kuntento na ito sa kanilang pamumuhay kumpara ng kanyang buhay may-artista pa noon, dahil para sa kanya sa paglipas daw ng panahon marami siyang natutunang mga aral sa buhay. Sa katunayan, madalas siyang magbahagi sa kanyang Instagram ng mga larawan ng kanyang mga anak na habang siya nakasuot lamang ng simpleng kasuotan at walang kolorete sa mukha. Kahit pa na magulo ang buhok nito hindi na ito alintana dahil nakikita sa kasiyahan na kanyang nararamdaman.
At sa edad na 40-taong gulang ay nanatiling fresh at young-looking pa rin ang dating aktres kahit na busy ito sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak. Marahil ang isang bagay na nakakapagpabata sa kanya ay dahil hindi na raw ito naaapektuhan ng mga negatibong komento ng mga tao. Natutunan niyang magpasawalang kibo na lamang kung ano man ang sasabihin ng ibang tao patungkol sa kanilang lifestyle mag-asawa.
Saad pa niya sa kanyang Instagram, “I so love this about us. It has been ten years of never being concerned of how we looked to others, whether they thought we were poor or old fashioned or weird, just because our values were never about the latest car, latest city, latest anything.”
Hindi man ipinagpatuloy ni Rica ang kanyang karera bilang artista ay hindi pa rin siya tumitigil sa paggawa ng mga bagay na magbibigay inspirasyon sa nakararami. May iilang projects pa rin naman ito sa industriya at patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng kanyang buhay kagaya na lamang sa kanyang YouTube channel.

COMMENTS