Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!

Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!


Naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang isang matandang lalaki na napag-alamang empleyado ng BPO company. Ito ay matapos makuhaan siy

Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.
Dating Flight Attendant, bumuo ng Food Stall gamit ang pampasaherong jeepney.
Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.

Naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang isang matandang lalaki na napag-alamang empleyado ng BPO company. Ito ay matapos makuhaan siya ng larawan na sakay sa isang MRT patungo sa lugar kung saan siya magtitinda ng kanyang mga panindang chicharon.

Ang larawang ito ay ibinahagi ng netizen na si Iya Gonzales kung saan nakasabay niya sa MRT ang naturang matanda. Ayon sa kanya, ang matandang ito ay kinilalang si Manuel Felipe dagdag pa ni Iya na marahil nagtatrabaho ang matandang lalaki sa kompanya ng BPO dahil sa suot nitong company ID.

Napansin ni Iya, na may bitbit itong malaking plastic na may lamang mga chicharon na sa kanya pantaha ito ay mga paninda ng matanda. May isa namang netizen ang lumapit sa matanda upang bumili ngunit ayon sa matanda may nagmamay-ari na pala ng kanyang mga paninda.

Kinausap sandal ni Iya si Tatay Manuel at napag-alaman niyang nagtitinda pala ito ng chicharon tuwing Lunes at Martes sa araw ng kanyang day-off. Sa kanyang pakikipag-usap sa matanda ay nalaman din ni Iya na galing pang Pampanga at bumiyahe sa kanyang pahinga para ihatid ang kanyang mga paninda si Tatay Manuel.

Saad ni Iya, “This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons. When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.”

“He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.”

Kaya naman upang makatulong ito kay Tatay Manuel, ay kinuha niya ang cellphone number nito para sa mga nais bumili ng chicharon sa kanya. Umani ng paghanga ang matanda dahil sa kasipagan nito sa kabila ng kanyang edad ay rumaraket pa kahit mayroon naman siyang regular na trabaho sa isang kompanya.

Aniya, “I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny.”

Ibinahagi ni Iya ang kwento ni Tatay Manuel upang dumami ang customer nito na makakatulong sa kanyang negosyo pati na rin sa kanyang pamilya.

 

 

 

COMMENTS