Aljur Abrenica, proud sa pangunguna ni Robin Padilla sa pagka-senador: “Ang dami niyang natulungan”

Aljur Abrenica, proud sa pangunguna ni Robin Padilla sa pagka-senador: “Ang dami niyang natulungan”


Ang aktor na si Aljur Abrenica ay nagbigay ng kanyang pahayag patungkol sa balitang nangunguna sa pagka-senador ang kanyang father-in-law na si Robin

Mariel Padilla lumipad patungong Spain kasama ang dalawang anak, iniwan ang asawang si Robin Padilla sa kabila ng pangunguna nito sa Senatorial race!
Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.
Mariel Padilla, sinagot ang isyung bakit hindi Mama ang tawag sa kanya ng mga anak ni Robin Padilla sa dati nitong asawa.

Ang aktor na si Aljur Abrenica ay nagbigay ng kanyang pahayag patungkol sa balitang nangunguna sa pagka-senador ang kanyang father-in-law na si Robin Padilla. Ayon kay Aljur siya masaya sa tagumpay ngayon ni Robin dahil alam naman ng aktor na talagang maraming natulungang tao ang kanyang father-in-law kung kaya’t deserving naman itong manalo.

Kahit hiwalay na si Aljur at ang anak ni Robin na si Kylie nanatiling magkaibigan pa rin ang dalawang aktor. Sa mga kamakailan nga na mga survey puma-pangatlo ang si Robin sa mga gusto ng tao na maging miyembro ng Senado ngunit hindi aakalain ng lahat na magiging top 1 ang aktor sa bilangan ngayon ng National Elections.

Saad pa ni Aljur, marami naman talagang taong natulungan si Robin kaya naman sapat na ito na dahilan upang siya ang manguna sa bilangan. Dahil tunay ngang Idolo ng masa ang aktor bukod sa pagiging kilala nito bilang isang sikat na artista nakilala rin ito sa pagtulong niya sa mga taong nangangailangan at ang pagiging ambassador of peace nito sa Mindanao.

Aniya, “Kasi si Papa, ang dami niyang natulungan.”

“Alam natin ‘yan, di ba, dito sa ating industriya. Yung mga stuntman, tinulungan niya.”

Kaya naman proud siya kung gaano niya hinahangaan si Robin sa pagiging mabuting tao nito na may abilidad na maging isang tunay na lider.

Ika niya, “Doon ako humahanga sa kanya, e. He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga.”

“And he remembers people. One time, may isang tao na isang beses lang niya nakita, and he was telling me, nakasama niya ito sa isang event,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Aljur na maaaring minsan ay hindi nakilala ni Robin ang isang tao, ngunit naaalala naman niya ang mga mukha nito. Kaya’t siya ang tipo ng taong hindi ka magagawang hindi pansinin.

Pahayag pa ni Aljur, “Hindi niya ito kilala at once lang niya nakita pero natatandaan niya nang tawagin siya. Si Papa, he takes care of his people.”

“And he understands the situation. So, actually plus yun para sa atin sa industriya, na nakaposisyon siya. Kasi, he knows, e. Alam niya kung ano ang dapat ayusin sa industriya. How to make it better. He’ll be striving to make our industry better.”

 

 

COMMENTS