Isang nag-Top 3 sa Licensure Examination for Teacher ngayon ang nagligtas sa kanyang paraalan. Alamin kung bakit!

Isang nag-Top 3 sa Licensure Examination for Teacher ngayon ang nagligtas sa kanyang paraalan. Alamin kung bakit!


Isang hero na maituturing ngayon ang nag-Top 3 sa board exam for Teacher na si Lucille Taro Dejos na tubong Barangay Linao, Talisay, Cebu dahil sa kan

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Bb. Pilipinas Candidate ibinihagi ang kanyang Buhay bilang isang dating Pili PUI at Pagiging tindera ng Fishball at kikiam sa gitna ng Pandemya
Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!

Isang hero na maituturing ngayon ang nag-Top 3 sa board exam for Teacher na si Lucille Taro Dejos na tubong Barangay Linao, Talisay, Cebu dahil sa kanyang pagkakasalba sa paraalang pinagtapusan niya ng kolehiyo. Dahil sa pagkakapasa ni Lucille at ng kanyang mga kasamahan ay hindi na madi-dissolve ang education department ng Talisay City College sa Cebu, City.

Isang malaking pressure umano ito na nakaatang sa balikat ni Lucille Taro Dejos at ng kanyang mga batchmates na kumuha ng Licensure Examination for Teacher (LET) elementary level nito lamang March 2022. Ayon kay Lucille, kapag hindi naging maganda ang kanilang performance nila sa LET, malamang na ma-dissolve na ang education department ng kolehiyo kung saan siya nagtapos.

Produkto siya ng Talisay City College sa Cebu, at isa siya sa mga graduates na inaasahan para maging “saving grace” ng kanilang departmento. Aniya, “I was really pressured while reviewing for LET, especially when our dean told me that if we do not pass, the education department of our school might be dissolved.”

“I admit that it scared me to take the LET and fail.”

Bukod dito, gusto na rin niyang maging lisensiyadong guro para makahanap ng regular na trabaho at makatulong sa kanyang mga magulang. Isang welder lamang ang kanyang ama at dressmaker naman ang kanyang ina. Sa katunayan, dahil kapos sa gastusin ang kanyang pamilya, para makapag-enroll sa review center kaya naman ay nag-sideline muna siya bilang tutor.

Kaya ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan ng siya ay makapasa at naging Top 3 pa dahil nakakuha siya ng rating na 91.4 percent. Pagkukwento pa ni Lucille, ang pagiging isang guro na umano ang kanyang pangarap simula noong siya ay bata pa.

Ika niya, “So, I took education in college. I love children, and I want to teach them not just school lessons but life.”

Aminado rin siyang pinangarap niya ang maging board topnotcher. Pero dahil nabawasan ang kanyang self-confidence, at dahil sa takot, hindi na siya umasa. Kaya naman laking gulat niya nang maging Top 3 siya. Plano niyang magturo sa isa sa mga public schools sa kanilang lungsod.

Nagbigay naman siya ng payo sa ang mga kukuha ng board exam na huwag mapapagod sa paghabol sa kanilang pangarap, at balewalain ang anumang kritisismong matatanggap. Saad niya, “Be thankful for those who praise you and be inspired to do more for them. And most importantly, be more thankful to those who look down on you and prove them wrong.”

 

COMMENTS