Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”

Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”


Kasalukuyang pinaghahagilap ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang mga celebrities star na hayagaan umanong nag-endorso ng kanilang mga

Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.
ALAMIN: “Be kind to her”, Lolit Solis umiyak sa sulat na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino!
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Kasalukuyang pinaghahagilap ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang mga celebrities star na hayagaan umanong nag-endorso ng kanilang mga kandidato nito lamang nakalipas na mga pangangampanya. Sa kanya mismong Instagram account, ay ibinahagi niya ang kanyang mga saloobin patungkol sa mga tinutukoy niyang ‘ubod ng yabang’ na mga celebrities.

Aniya, “Gusto kong makita ngayon ang mga stars na ubod ng yabang sumuporta sa kanilang mga kandidato Salve.” Dahilan niya ay gusto niya raw makita kung paano tatanggapin ng mga ito na silang naitulong para manalo ang kanilang sinuportahang kandidato.

Saad ni Manay Lolit, “Gusto ko na makita paano nila tatanggapin na wala pala silang naitulong para manalo ang ini-endorse nila. Para bang isa pa sila sa naging minus factor dahil nga ikinainis ng tao ang yabang ng dating nila.”

Bagamat walang tinutukoy kung sinong kandidato ang sinusuportahan ng mga tinutukoy rin niyang mga celebrities, ngunit tila nagbigay siya ng ideya na ang kanyang mga tinutukoy ay ang mga supporters umano ni Vice President Leni Robredo base na rin sa kanyang post. Dagdag pa ni Manay Lolit, na sana raw ay magsilbing aral ito sa mga artista.

“Maging aral sana ito sa mga artista na bigyan ng dividing line ang role nila as showbiz at pagsali sa pulitika. Puwede na pinapanuod kayo sa rally, sinusundan ng mga tao, pero hindi nakikinig sa mga sinasabi ninyo.

“Saka huwag masyadong righteous ang dating, masakit sa tainga, kainis. So ngayon dapat hinay hinay lang. Puwede suporta, pero huwag OA.”

Matatandaan naman na ang presidential candidate at frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinusuportahang kandidato ni Lolit Solis, kaya naman marahil ay nagbibigay na naman ito ng kanyang pahayag.

 

 

COMMENTS