Ika nga nila hindi man sapat ang natapos na edukasyon basta’t may puso at mapagmahal sa taong bayan ay sapat na upang maging isang magaling na pinuno.
Ika nga nila hindi man sapat ang natapos na edukasyon basta’t may puso at mapagmahal sa taong bayan ay sapat na upang maging isang magaling na pinuno. Ganito na lamang ipinakita ni Rodrigo “Onoy” Rivera 62-taong gulang ang kanyang pagiging isang mabuti at mapagkalingang pinuno.
Siya ang nakilalang market vendor na tinalo ang kalaban niya sa nagdaang halalan na kapatid ng kasalukuyang Mayor ng Dolores, Eastern Samar na isang doktor. Para kay Rodrigo hindi naman daw niya inaasahan ang kanyang pagkapanalo dahil kakaunti lamang ang kanyang pera at umaasa lamang siya sa mga taong nakakakilala sa kanya mula sa pampublikong pamilihan.
Bukod sa pagiging isang tindero sa palengke, dati na rin siyang Barangay Chairman at tanging second year high school lamang ang kanyang natapos. Aniya, humingi siya ng tulong at nagpapasalamat siya ng labis sa poong-maykapal dahil diniig ang kanyang panalangin. Dahil ang kanyang tagumpay ay para sa kanyang mga kababayan at upang maibigay rin ang mga serbisyo mula sa gobyerno na magagamit kanyang mahal na bayan.
Dagdag pa niya, marami na umano siyang inihandang mga plano upang matugunan ang mga problema ng kanilang bayan tungkol sa drainage, streetlights, silid-aralan at ospital. Tututukan din niya ang pagbibigay ng livelihood programs, at pagtiyak ng kapayapaan at kaayusan sa tulong ng militar at pulisya.
Mula sa kanyang pagiging isang Barangay Chairman sa loob ng 9 na taon ay isa ng magandang simula upang siya ay maging isang mahusay na alkalde ng kanyang bayan. Nagtitinda man siya ng mga isda at gulay sa pamilihang bayan kailanman ay hindi niya ito ikinahihiya. Bagkus, dahil dito mas lalo siyang nakilala ng kanyang mga kababayan kung gaano siyang kabuting tao.
COMMENTS