Isang nanay ang nakatanggap ng Php500,000 mula sa kanyang pitong anak bilang regalo sa kanyang ika-77th birthday!

Isang nanay ang nakatanggap ng Php500,000 mula sa kanyang pitong anak bilang regalo sa kanyang ika-77th birthday!


Ang pagkakaroon ng kaarawan ay minsan lamang sa buhay ng tao. Kaya naman nauuso ang pagbibigay ng sorpresa natin sa ating pamilya kung mayroon man ang

Mala-Snow White ang kwento ng isang Pinay na nakatanggap ng proposal sa kanyang foreigner boyfriend matapos magising sa coma.
Alamin kung papaano nakapag-ipon ang pamilyang ito sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Airport Guard who could not even afford lunch, returns half a million worth of cash found

Ang pagkakaroon ng kaarawan ay minsan lamang sa buhay ng tao. Kaya naman nauuso ang pagbibigay ng sorpresa natin sa ating pamilya kung mayroon man ang isa kanila ang nagdiriwang ng kaarawan at higit pa sa lahat kung sila ay ating mga magulang. Bilang isang anak gagawin natin ang lahat ng bagay na magpapasaya para sa ating mga magulang. Dahil ang sopresahin sila sa kanilang mahalagang araw ay isang simbolo ng pagmahahal nating mga anak para sa ating mga magulang.

Kaya naman ganito na lamang ang naging labis na kasiyahan ng isang inang nagdiwang ng kanyang ika-77th birthday noon lamang nakalipas na January 24, 2022. Ang nanay na ito ay nagmula pa sa Lemery, Batangas City. Upang maging mas memorable ang kanyang araw ay sinorpresa siya ng kanyang pitong anak. Para sana kay Nanay Belen ay gusto lamang niya na gawin itong simpleng selebrasyon lamang.

Ngunit talagang labis ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga anak dahil bukod sa dalawang money cake na kanyang natanggap sinorpresa rin siya ng mga ito ng dalawang kahong punong-puno ng pera, dalawang bouquet na mayroon ding pera, at isang payong na may pera din ang laman. Sa kabuuan nito nakatanggap si Nanay Belen ng Php500,000 sa kanyang kaarawan.

Hindi masukat ang kaligayahan ni Nanay Belen habang binubuksan ang kanyang mga regalo. Samantala, hindi naman lubos akalain ni Nanay Belen na makakatanggap siya ng halos kalahating milyon mula sa kanyang mga anak.

Ibinahagi naman ang kanyang anak na si Sherwin Mulingtapang sa kanyang social media account ang video ng kanyang ina upang maibahagi ang labis na kasiyahan ng kanilang ina. Aniya sa kanyang post, “We believe parin naman na its not the monetary value na makakapagpasaya sakanya, pero kahit paapaano masurprise man lang siya, masiyahan siya.”

“Usually kasi ‘yung iba nagaambagan lang para makuha ‘yung P77,000 so sabi namin lahat naman able tayo as magkakapatid. Para mas ano pa ‘yung happiness. Per anak, nak, nag P77,00 kami. Kaya umabot yung suprise namin ng morethan half million. We made sure din na iba’t ibang pakulo.”

Anim sa mga anak ni Nanay Belen ang nananatili sa Pilipinas, habang ang isa ay nasa ibang bansa. Inilarawan ni Sherwin ang kanyang ina bilang isang mapagbigay at mapagmahal na ina sa kanilang pamilya. Ayon pa kay Sherwin na gusto nilang sorpresahin ang kanilang ina para ipakita ang pagpapahalaga nila sa pag-aalaga sa kanila ni Nanay Belen matapos lumisan ang kanilang ama noong taong 2009.

Sa kabila ng edad ni Nanay Belen nananatili siyang malusog at namamahala pa sa negosyo ng kanilang pamilya. Ngunit, hindi naman inasahan ni Sherwin na magvi-viral ang kanyang video. Ika pa niya, “‘Yung iba talaga nainsipire na sana daw magawa din nila sa kanilang magulang. Pero which is samin naman nakakatuwa.”

“Hindi naman kinakailangan na ganun ka bongga, or hindi rin naman talaga nasusukat sa monetary value ‘yung pagmamahal natin sa mga magulang. If hindi natin kaya, wala naman problema. Maging mabuting anak na lang tayo at napakalaking bagay na ‘yun sa ating mga magulang. Pero if meron naman tayong means, meron tayong sobrang pera, minsan nakakapagbigay ligaya din naman ito sakanila,” dagdag pa niya.

Ito lamang ay isang pagpapakita ng pagmamahal ng mga anak sa kanilang mga magulang. Pagtatanaw ng pasasalamat ng mga anak sa lahat ng pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang. Isang inspirasyon ang pagmamahal ni Sherwin at ng kanyang

COMMENTS