Risa Hontiveros, iginiit na dapat mas maigi umano na isang education expert ang maging susunod na DepEd Secretary!

Risa Hontiveros, iginiit na dapat mas maigi umano na isang education expert ang maging susunod na DepEd Secretary!


Kilala natin si Ana Theresia "Risa" Navarro Hontiveros-Baraquel bilang isang Pilipinong politiko, mamamahayag, at pinuno ng komunidad. Ipinanganak siy

Trending Pose tuwing nagpapakuha ng litrato sa pagrecieve ng parcel, ikinatuwa ng mga netizens!
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.
Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen.

Kilala natin si Ana Theresia “Risa” Navarro Hontiveros-Baraquel bilang isang Pilipinong politiko, mamamahayag, at pinuno ng komunidad. Ipinanganak siya noong Pebrero 24, 1966. Nanalo siya at naluklok sa pamahalaan bilang isang Senador ng bansang Pilipinas na pumuwesto sa ika-9, noong 2016 national election. Nagsilbi siya bilang kinatawan ng sektor ng Akbayan sa Philippine House of Representatives mula 2004 hanggang 2010.

Ngayon nasungkit na naman ni Senator Risa ang pagiging isang Senador, kaya naman para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino hindi niya maiwasan ang maglabas ng kanyang saloobin patungkol sa edukasyon ng Pilipinas. Ito ay matapos magsipaglabasan ang mga balita ng mga magiging bagong miyembro ng pamahalaan ayon kay Presumptive President Ferdinand Marcos Jr., naglabas naman ng kanyang opinyon si Senator Risa.

Isa na nga rito ay ang kanyang hinaing patungkol sa pagtatalaga di-umano kay Presumptive Vice-President Sara Duterte bilang bagong DepEd Secretary. Ayon kay Senator Risa, mas nararapat na ang magiging susunod na DepEd Secretary ay yung education expert mismo at may background tungkol sa ahensyang ito. Ito ang kanyang naging pahayag sa naging panayam sa kanya ng ‘ANC Rundown’.

“I don’t know what the incoming, the presumptive vice president’s track record is in education. I would have guessed other education experts to helm that important department.”

Ayon pa sa senador, isa ang DepEd sa mga departamentong tumatanggap ng pinakamalaking budget at ang mandato ng ahensya ay konektado sa paglaban sa historical revisionism. Kaya naman talagang iginiit niyang huwag basta-basta lang magluklok ng bagong mamahala nito lalo pa’t ito ay patungkol sa kalidad ng edukasyon ng bansang Pilipinas.

Ika niya, “Napakahalaga sana… na ang hahawak ng education department—ang magpapatupad nung kaka-sponsor lang namin sa Senado na Education Commission II, ang tutugon sa iba’t ibang problemang sa ating namuong education crisis pre-pandemic up to during the pandemic until now—ay isang education expert.”

COMMENTS