Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.

Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.


Kabilaan ang natatamasang mga achievement ngayon ng TV-actress na si Bea Alonzo. Bukod sa kanyang bagong home network at mga nakaabang na mga TV proje

ABS-CBN Leading Personalities who shifted to two Rival TV Station after it’s shutdown
Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Kabilaan ang natatamasang mga achievement ngayon ng TV-actress na si Bea Alonzo. Bukod sa kanyang bagong home network at mga nakaabang na mga TV projects at endorsement ay ang pagtupad niya sa kanyang mga pangarap sa buhay.

Sa naging 100th video ng actress sa kanyang YouTube vlog, masaya at excited niyang ibinahagi ang kanyang isa na namang natupad na pangarap. Ito nga ay ang kanyang nabiling bagong bahay sa bansang Spain. Ang naturang bahay na ito ni Bea ay isang apartment type na bahay na matagal na niyang gustong mabili sa bansang Europe. Kaya ilan taon ding pinagtrabahuan at pinag-iponan ito ng aktres upang maituloy ang kanyang pangarap na makabili ng sariling bahay sa Madrid, Spain.

Saad ni Bea, “After many years of hard work, and weighing things whether I should buy or not I have decided to just take a leap and do it! On my vlog tonight I will be talking about the reasons behind the decision.”  Dagdag pa niya, “And to celebrate this milestone, I will be sharing with you a dream that I was able to realize just recently. Last month, I went to Madrid to do apartment hunting! It has always been my dream to own an apartment in Europe for my family. And finally, it happened!”

Sa pagbabahagi ng aktres, aniya anim na apartment umano ang kanyang tinitingnan at pinagpipilian hanggang sa ang napili niya ang bahay na may elevator. Ayon sa kanya, kaya niya ito pinili ay dahil swak na swak umano ito upang hindi na mahirapan ang kanyang mommy at mga pamangkin na umakyat sa kanyang bagong apartment. Nagkaroon din ang aktres ng kanyang house tour upang maipakita sa kanyang mga tagahanga kung gaano kaganda ang napili niyang bagong tahanan.

Kitang-kita naman ang labis na kasiyahan ni Bea dahil first time niyang magkakaroon ng sariling bahay sa bansang gustong-gusto niya.

 

 

 

COMMENTS