Anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian Robredo, proud na ipinagmalaki ang kanyang natapos na double major sa New York University!

Anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian Robredo, proud na ipinagmalaki ang kanyang natapos na double major sa New York University!


Super proud mommy ngayon ang ating Vice President Leni Robredo dahil sa panibagong achievement ng kanyang bunsong anak na si Jillian Robredo na 22-tao

Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.
Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.
Heart Evangelista, may magaling na resbak sa basher na nang-okray sa recent IG photo nito.

Super proud mommy ngayon ang ating Vice President Leni Robredo dahil sa panibagong achievement ng kanyang bunsong anak na si Jillian Robredo na 22-taong gulang. Matatandaan na unang nakilala ang mga anak ni Vice President Leni dahil sa biglaang paglisan ng kanilang ama na si DILG Secretary na si Jesse Robredo.

Kinilala ang kanilang ama bilang isang mabait at magpakawangga na pinuno sa kanyang bansa. Kaya naman maraming tao ang talagang minahal siya, samantala sa kanyang paglisan ipinagpatuloy ng kanyang maybahay na si Vice President Leni ang mga plataporma ni DILG Secretary Jesse Robredo.

Ngunit wala man siya sa kanyang pamilya napalaki naman niyang mabubuti at matatalino ang kanyang tatlong anak na babae. Dahil isa na naman sa mga anak ng dating DILG Secretary ang nagtamo ng isang katagumpayan sa buhay. At ito nga ang kanyang bunsong anak na si Jillian dahil nito lamang May 16, 2022 ay nakapagtapos ito ng pag-aaral sa New York University na may kursong Bachelor of Arts degree na may double major sa Economics at Mathematics.

Kaya naman ang kanyang ina na si Vice President Leni Robredo, ay buong ipinagmamalaki ang kanyang anak. Sa social media ng Vice President ay nagpost ito ng, “NY Baccalaureate today. Jillian wearing what matters most a pendant containing her Papa’s ashes, her graduation stole with the colors of the Philippine flag and her rosas pin.”

Dagdag pa niya, “The graduation is Jillian’s triumph over a lot of difficulties she had to go through. She hadn’t planned on going to New York to study, but then she got into NYU.

“The first difficulty she had to hurdle was that we couldn’t afford an NYU education. Jillian had to look for scholarships just so she could go.”

Pagkukwento pa ni VP Leni, mula umano sa unang taon hanggang sa pagtatapos ng kanyang anak ay nagtrabaho na raw ito ng hindi bababa sa 20 oras sa isang linggo upang madagdagan ang pondo ng kanyang scholarship at siyempre kinailangan rin nitong balansehin ang kanyang trabaho at pag-aaral.

Aniya pa, “I think the most difficult part was when I decided to run for the presidency.

“She decided to be with me in Manila so that she could campaign for me. That meant campaigning during the day while attending classes at night.

“She suffered, but it was very clear to her where her priorities are and despite the results of the election she felt she made the best decision coming home when it mattered most.

“It wasn’t just because I was a candidate, but she felt very strongly about what the elections meant for the country.”

Kaya kahit busy sa pag-aaral ang kanyang anak ay hindi siya pinabayaan nito sa kanyang pangangampanya nito lamang na nakalipas na halalan. Sobrang proud mommy siya sa achievement ng kanyang mga anak dahil kahit single mom siya ay nagagawa niyang pagsabayin ang maging ina ng kanyang mga anak at maging ina ng kanyang bansa.

 

 

COMMENTS