Emmanuel Pacquiao Jr., nagwagi sa kanyang sa ikalawang boxing fight, tila siya na ang susunod na Boxing Champ Manny Pacquiao!

Emmanuel Pacquiao Jr., nagwagi sa kanyang sa ikalawang boxing fight, tila siya na ang susunod na Boxing Champ Manny Pacquiao!


Hindi man nasungkit ni Senator Manny Pacquaio ang pagiging isang pangulo panalo naman sa laban sa loob ng boxing ring ang kanyang panganay na anak na

Mahirap lang noon, pero artista na ngayon! Alamin ang mga dati nilang trabaho bago sumikat.
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.
Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.

Hindi man nasungkit ni Senator Manny Pacquaio ang pagiging isang pangulo panalo naman sa laban sa loob ng boxing ring ang kanyang panganay na anak na si Jimuel Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr. Nito lamang May 12, 2022 lumaban si Jimuel sa amateur boxing sa U.S.A at ito na ang kanyang ikalawang panalo.

Naging isang unanimous decision ang pagkapanalo ni Jimuel sa Mexican boxer na si Jonathan Barajas sa naging laban nila noon lamang May 12, 2022 sa Montebello Country Club sa Montebello, California. Pinost naman ni Senator Manny ang naging laban ng kanyang anak sa kanyang caption na, “Here ‘comes Manny Jr! @pacquiao.emmanuel.”

Ito na ang ikalawang panalo ni Jimuel, una siyang nagwagi mula sa match nila ng Mexican-American boxer na si Andres Rosales noong March 12, 2022. Kahit na naging abala sa pangangampanya ang kanyang ama hindi siya kinalimutan na suportahan nito sa kanyang laban.

Proud na proud na sinabi ni Senator Manny, “Congratulations to my son @pacquiao.emmanuel on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you. #TeamPacquiao.”

Sa dalawang magkasunod na panalo ni Jimuel, tuwang-tuwa rin ang kanyang ina na si Jinkee, na noong una ay maraming beses na iniyakan ang desisyon ng anak niya na sundan ang yapak ni Senator Manny sa boxing. Ika pa niya na noong 2016, sinabi niyang mas pipiliin niyang pasukin ng kanyang panganay at dalawa pang lalaking anak ang pulitika kesa sa boxing.

Saad niya, “Depende kung anong gusto nila…Definitely not boxing, mahirap yun. Siguro sa pagiging public servant.”

Pero naman wala sila umanong magawa mag-asawa na passion ng panganay nilang anak ang boxing, at gusto niyang maging kinatawan ng Pilipinas bilang isang atleta. Sa Instagram post ni Jinkee na may caption na, “Salamat sa Ginoo na nidaug ka sa imong ikaduha na amateur fight. I love you and I miss you so much anak ko! See you soon!”

Bago nagdesisyon na mag-concentrate sa boxing, nagkaroon si Jimuel ng short-lived showbiz career nang pumirma siya ng kontrata noong 2020 sa Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN.

 

 

COMMENTS