Julia Barretto, sinabing huwag munang mag-girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia!

Julia Barretto, sinabing huwag munang mag-girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia!


Matapos ang kontrabersyal na hiwalayan nila Joshua Garcia at Julia Baretto noong 2019, tila naka-move on na rin ang dalawa. Ngunit, kahit wala na ang

Nasaan na nga kaya si Lumen? Alamin ang buhay ngayon ng wais na nanay ng Surf.
Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.
Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.

Matapos ang kontrabersyal na hiwalayan nila Joshua Garcia at Julia Baretto noong 2019, tila naka-move on na rin ang dalawa. Ngunit, kahit wala na ang dalawa bukas pa rin ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Sa naging panayam nga ni Boy Abunda kay Julia sa YouTube showbiz channel ni Tito Boy, hayagang inamin ng aktres na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang papasok sa isang relasyon.

Dahil batid ni Julia na magiging sagabal lamang ito sa kanyang umaangat na showbiz career. Saad ng TV-actress, “I tell him, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend.” Sagot naman daw ni Joshua sa kanya, “Sabi niya sa akin, ‘Ba’t ba ayaw mo ako magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.”

Dagdag pa ng aktres, “Because he’s young and he’s in his prime and he’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time.” Samantala ng tanungin umano siya na kung naitanong ba raw ni Joshua kung bakit mas pinili niya si Gerald, sagot naman ni Julia na hindi na daw sila umabot pa ganoong katanungan.

Aniya, “Walang ganung tanungan. Pero asaran. Pero walang ganung tanong.” Ika pa nito, “I think one of the things I really appreciate about it is he respects Ge a lot, and that says a lot about Josh as well and how much he has grown and matured.”

“He respects Ge, and that means a lot to me.”

Hindi naman daw nagtatanong ng mga personal na bagay si Joshua kay Julia. Sa ngayon ay masaya naman si Julia sa relasyon nil ani Gerald. Pagbabahagi pa ng aktres, “I always tell him how lucky I feel to be with somebody who can guide me, just in life in general, who can ground me, who can put sense in my head.”

“I can talk to him about anything. He puts everything into persepective for me.”

 

COMMENTS