“I am not my circumstances:” Kilalanin si Xyza Cruz Bacani isang OFW photographer na naging scholar at nakapagtapos ngayon sa New York University!

“I am not my circumstances:” Kilalanin si Xyza Cruz Bacani isang OFW photographer na naging scholar at nakapagtapos ngayon sa New York University!


Isang Filipina domestic helper sa Hong Kong ang nakapagtapos ngayon ng kolehiyo sa New York University nito lamang May 18, 2022. Bukod sa kanyang pags

Babaeng inuulan ng tukso noon, proud entrepreneur at model na ngayon.
Masipag na fishball vendor, proud sa naipundar nitong dalawang palapag na bahay.
Guro na nagsuot ng Santa Claus costume at namigay ng regalo sa mga estudyante, nagtrending.

Isang Filipina domestic helper sa Hong Kong ang nakapagtapos ngayon ng kolehiyo sa New York University nito lamang May 18, 2022. Bukod sa kanyang pagsisipag at pagsusumikap sa trabaho bilang isang photographer nakatanggap rin siya ng scholarship mula sa New York University na kanyang naging daan upang makapagtapos siya sa kolehiyo.

Sa 10 taong pananatili ni Xyza sa New York, madalas mai-feature sa New York Time at CNN ang kanyang buhay bilang isang domestic helper. Kung saan kahit pagod na ang kanyang katawan sa pagtatrabaho ay nagawa pa rin niyang makapag-aral at kumuha siya ng Masters in Arts and Politics degree sa NYU Tisch School of the Arts. Ito ay isang prestihiyosong programa kung saan maraming hollywood stars ang kumukuha ng kursong ito.

Sa edad na 19 taong gulang itinigil ni Xyza ang kanyang pag-aaral sa bansang Pilipinas sa kursong Nursing at nagtrabaho siya abroad upang matulungan ang kanyang pamilya. Habang nagtatrabaho sa Hong Kong, sinimulan ni Xyza ang pagkuha ng mga black and white na larawan sa kanyang paligid bago niya natuklasan ang kanyang trabaho online.

Noong 2019, inilathala niya ang kanyang unang libro sa photography tungkol sa karanasang migrante, “We Are Like Air.” Sa kanyang pag-aaral, isinulat ni Xyza sa PhilSTAR L!fe ang tungkol sa kanyang hiling na ang mga pamilyang Pilipino ay hindi na aasa sa migrasyon.

Aniya, “In an ideal world, a 19-year-old should still be in school, dreaming and hanging out with friends, making mistakes, and preparing for the real world, but then my reality is far from the ideal.”

“My mother, a domestic worker, needed to leave us to give us a better life, but then I became one myself. Migration has shaped our lives, and up to this day, it is our reality.” Gayundin ang pagbibigay-halaga sa paglipat ng kanyang pamilya, ipinagdiwang ni Xyza ang kanyang pagtatapos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawang nakasuot ng sikat na purple New York University toga at graduation cap.

Saad niya, “Even without a college degree, NYU took a chance on me.” “I am a descendant. My ancestors are people you don’t read about in history books. They are unseen and unheard. We don’t have family inheritance except for the traumas passed on from one generation to another.”

Pagbabahagi pa ni Xyza na mananatili siyang maging artist, dahil sa kanyang determinasyon sa buhay pinuri siya ng kanyang mga naging professor sa naturang unibersidad.

 

COMMENTS