ALAMIN: “Be kind to her”, Lolit Solis umiyak sa sulat na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino!

ALAMIN: “Be kind to her”, Lolit Solis umiyak sa sulat na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino!


Kilala si Lolit Solis bilang isang magaling na talent manager at kolumnista ng Philippine Showbiz. Bahagi ng kanyang pagiging kolumnista ang mga socia

Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.
Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.
Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.

Kilala si Lolit Solis bilang isang magaling na talent manager at kolumnista ng Philippine Showbiz. Bahagi ng kanyang pagiging kolumnista ang mga social at political issue ng bansa. Samantala, ayon naman sa kanya kamakailan lamang na nakakatakot sa pakiramdam ang magkaroon ng karamdaman ng walang kaagapay na pamilya lalo pa’t kung nasa ibang bansa. Kaya naman nagpaalala siya sa mga tao na manatiling ligtas lagi sa pangangatawan dahil mahal na nga raw ang mga gamot ngayon.

Sa pagkakasabing ito ni Manay Lolit, hindi niya napigilang ibahagi ang kanyang sulat na nakatanggap mula kay Kris Aquino. Naging emosyonal ang kolumista sa sulat na ito at hindi niya naitago ang kanyang luha. Ayon sa kanya, ibinahagi umano ni Kris ang detalye ng tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Sa kanyang viral post, hiniling ni Lolit sa publiko na maging mabait kay Kris, lalo na’t siya ay may inindang karamdaman. Naiyak siya matapos basahin ang bahagi ng sulat kung saan ibinahagi ni Kris ang kanyang pag-asa na humaba pa ang kanyang buhay para sa kanyang mga anak sina Bimby at Joshua.

Ayon rin kay Lolit, lalo siyang napaiyak ng basahin niya ang bahaging umaasa si Kris na mabubuhay siya hanggang sa umabot si Bimby sa edad kung saan kaya na niyang alagaan ang kanyang Kuya Joshua. Aniya, “Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua. Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi-feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.”

Sa kanyang viral post, ipinahayag ni Lolit kung gaano siya kalungkot nang malaman niyang may ilang mga negatibong reaksyon sa kalagayan ni Kris. Dagdag pa niya, hindi naman alam ng lahat ang tunay na pinagdadaanan ni Kris kaya naman humihiling siyang tigilan na ang pangba-bash rito. Saad pa niya, “Hindi niya kailangan ang bashing, o anuman pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan.”

COMMENTS