Robin Padilla, sinabi sa kanyang mga bashers na napakalaki ang problemang kinakaharap ng bansa ngayon kaya wala siyang panahon sa pambabatikos!

Robin Padilla, sinabi sa kanyang mga bashers na napakalaki ang problemang kinakaharap ng bansa ngayon kaya wala siyang panahon sa pambabatikos!


Kamakailan lamang ay nagkaroon ng victory party ang mga nanalong Senador nito lamang na nakalipas na halalan. Ngunit ang TV-actor at ang nag number 1

Unico hijo ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, may chance maging future heartthrob dahil sa angking kagwapuhan at karisma nito!
Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.
Aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion, pinalakas ang loob ni Herlene Budol para sa nalalapit na laban nito ng Bb. Pilipinas 2022!

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng victory party ang mga nanalong Senador nito lamang na nakalipas na halalan. Ngunit ang TV-actor at ang nag number 1 sa Senatorial race na si Robin Padilla ay abala ngayon sa kanyang pagiging isang public servant kaya naman hindi na ito nag-abala pa ng isang victory party.

Ayon sa talent manager ni Robin hindi na umano nagpa-victory party ang TV-actor dahil mas marami pa umanong mga bagay ito na dapat unahin. Dagdag pa nito na marami pa daw na dapat matutunan si Robin sa pamamalakad ng bansa, kaya hindi nito itinatanggi na siya ay nagpapaturo at inaaral niya ang ibang batas sa tulong ng kinuha niyang consultant ang dating Presidential spokesperson na si Atty. Salvador Panelo na kumandidato ring senador pero hindi pinalad manalo.

Dahil gustong mag-focus ni Robin sa bago niyang responsibilidad ngayon sa gobyerno ay iiwanan muna niya pansamantala ang showbusiness. Aniya, “Mahalaga sa akin na magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas. Last movie ko na ‘yun, Mananatili na lang ‘yung show ko sa TV. Pero sa showbiz last ko na ‘yun.”

Samantala, sa kanya naman social media account ay isa-isang pinasalamatan ni Robin ang lahat ng mga tumulong sa kanya at binanggit rin niya ang mga probinsyang nag-number one siya. Lalo na higit ang mga lalawigan na nag-number 1 siya at siyempre sobrang nagpasalamat rin siya sa mga guro, sundalo, pulis, at mga government employees dahil nakatanggap rin siya ng malaking votes mula sa mga ito.

Abut-abot din naman ang pasasalamat niya sa mga kababayan nating OFW na aniya’y mga bayani ng bansa dahil sa mataas na bilang na ibinigay sa kanya. Saad niya, “Kayo pong mga naghirap sa halalan na ito, mga nilipasan ng gutom, nabalutan ng takot, lahat po dumating na sa inyo, maraming salamat po, kayo ang mga bayani.”

Samantala sa kabila ng kanyang pagiging number 1 hindi rin napigilan ang paglabas ng kanyang mga bashers. Kahit sa kabila ng mga naririnig niyang pangmamaliit sa kanya kung bakit siya ang number one ay hindi na ito alintana sa kanya. Isa lamang ang nasabi ng aktor rito, ayon sa kanya wala siyang panahon para sa mga ganitong bagay dahil may mas napakalaking problema ang bans ana kinakaharap ngayon kesa intindihin niya ang pambabatikos sa kanya.

Ika pa niya, “Hindi na po tayo naapektuhan dito kasi napagdaanan ko na lahat ito, mga pasakalye tanggap lang po tayo nang tanggap. Wala po kasi tayong panahon para namnamin o pag-isipan pa ang mga ganitong hirit dahil napakalaki po ng problema ng ating hinaharap.

“Mga kababayan, tayo po ay haharap sa mga pagsubok sa ekonomiya dulot po ng pandemic ng pandemic, thrillon of dollars po ang nawala sa ekonomiya.”

 

COMMENTS