Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang 31M na boto!

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang 31M na boto!


Sa naging YouTube vlog ni Presumptive President na si Bongbong Marcos Jr. ibinahagi niya ang kanyang buong pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong na

Celebrity dad Dingdong Dantes, shares cute photos of his son, Sixto, looking at ‘chicks’.
Aljur Abrenica, proud sa pangunguna ni Robin Padilla sa pagka-senador: “Ang dami niyang natulungan”
Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila Sofia Andres at kasintahan nitong si Daniel Miranda.

Sa naging YouTube vlog ni Presumptive President na si Bongbong Marcos Jr. ibinahagi niya ang kanyang buong pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang laban. Nagbigay siya ng kanyang mensahe para sa lahat ng 31 million na mga taong hindi nagdalawang isip na magbigay ng kanilang tiwala at pagkakataon.

Sa naturang vlog ni Presumptive President Bongbong Marcos Jr., ibinahagi rin niya ang kanilang iilang campaign rally ng kanyang UniTeam mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Pinasalamatan din niya ang team sa kanilang headquarters na pinamamahalaan ng kanya mismong asawang si Louise.

Pinasalamatan din niya ang mga sikat na personalidad na nagbigay saya umano sa kanilang mga pagtitipon. Nagpasalamat din siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na walang sumuporta sa kanilang UniTeam.

Dagdag pa niya, isang ‘job well done’ ang nagawa ng kanyang grupo dahil sa pagkakaisang kanilang ipinakita. Aniya pa, hindi raw nila kayang tumbasan ang binigay sa kanilang suporta ngunit hindi naman daw nila bibiguin ang sambayanang Pilipino.

Pinasalamatan din niya ang kanya mismong pamilya lalo na ang kanyang anak na si Sandro na bagamat may sariling kampanya ay nakapaglaan ng oras para siya ay samahan sa kanyang pangangampanya.

 

 

COMMENTS