Erich Gonzales, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanyang masayang buhay kasama ang kanyang asawang Afam!

Erich Gonzales, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanyang masayang buhay kasama ang kanyang asawang Afam!


Kamakailan lamang na buwan ay ikinasal na ang TV-actress na si Erich Gonzales sa kanyang boyfriend na si Mateo Lorenzo. Marami sa kanyang mga fans ang

Andrea Torres stuns in her Bridgerton-inspired photoshoot, in celebration of Women’s Month.
Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.
Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.

Kamakailan lamang na buwan ay ikinasal na ang TV-actress na si Erich Gonzales sa kanyang boyfriend na si Mateo Lorenzo. Marami sa kanyang mga fans ang nagulat sa kanyang biglaang pagpapakasal lalo pa’t hindi naman niya isinapubliko ang naging engagement nito. Hanggang sa nalaman na lamang ito dahil sa kumalat na marriage banns nila sa social media.

Kaya naman ngayon ay nagpahiwatig na ang aktres ng mga kaganapan ng kanyang pagpapakasal. Sa kanyang Instagram post ay kanya ng ipinasilip sa kanyang mga fans ang naging honeymoon ng kanyang asawang si Mateo sa mountainside resort La Trinidad, Benguet.

Makikita sa larawan na nakapatong ang kanyang kamay sa cushion at kitang-kita ang kanyang ring finger na may suot itong wedding at engagement rings. Habang siya ang nakaupo sa sofa mapapansin ang kasiyahan ng aktres. Sa kanyang kuhang larawan makikita naman sa kanyang likuran ang lush mountainside ng lugar. Ito ay kuha sa isang exclusive resort sa Benguet na kilala sa mountain lodges nito.

Ikinasal ang dalawa nitong March 23, 2022 sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Iyon ang simbahan na kinabibilangan ni Mateo pati na ng mga magulang nito. Hanggang sa dumating ang kanilang wedding day, hindi nag-post ng anumang larawan si Erich sa kanyang Instagram account.

Samantala, nag-post naman ang kapatid ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ng kuha nina Erich at Mateo na nakaharap sa altar. Pero maliban dito ay wala nang pasilip sa buong kaganapan ng kanilang kasal.

 

COMMENTS