Rhian Ramos, niresbakan ang netizen na nagsabi sa kanya ng, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan”!

Rhian Ramos, niresbakan ang netizen na nagsabi sa kanya ng, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan”!


Viral ngayon ang ginawang pagreresbak ng TV-actress na si Rhian Ramos sa kanyang basher. Ayon kasi sa naturang basher na ito na nagkomento ng pang-iin

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!
DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya.
Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.

Viral ngayon ang ginawang pagreresbak ng TV-actress na si Rhian Ramos sa kanyang basher. Ayon kasi sa naturang basher na ito na nagkomento ng pang-iinsulto sa kanyang Instagram post ay, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan.”

Samantala imbis na magalit ant aktres ay mayroon itong nakakatuwang resbak matapos insultuhin ng naturang netizen ang kanyang itsura. Sa halip nga na patulan niya ito ay mas naisip niyang supalpalin na lang ito ng nakakatawang eksena niya sa isang video. “Madali akong kausap,” ang maikling caption ni Rhian sa videong ito.

Ni-repost ni Rhian ang komento ng naturang basher kalakip ng kanyang ginawang maikling video na naging mala-TV commercial ang dating. Sa isang Instagram reel ni Rhian kanyang ibinahagi ang kanyang nakakatawang resbak. Makikita sa video na nakasuot ito ng kanyang seksing black cutout long dress habang naghuhugas ng kawali sa lababo.

Ito ay parang eksena ng isang sosyalerang dishwashing commercial ang naging content ng video ng aktres na may kasamang slow-motion effect pa. Kaya naman lutang na lutang ang kanyang tilang pang-aakit na eksena.

Sa kanyang video, ipinakita ng aktres kung paano niya binalikan ang basher na nag-bully sa kanya sa itsura. Sa kabila ng pang-iinsultong ito sa kanya ay mas naging motibasyon pa ito ni Rhian para tunay na ipakita ang kanyang kaseksihan at kagandahan.

 

 

COMMENTS