Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?


Going strong pa rin ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa matagal na panahon naging subok na ang kanilang pagtatambal on

Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Daniel Padilla, viral ngayon dahil sa inis niya sa isang security personnel na naghawi sa kanyang mga fans!

Going strong pa rin ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa matagal na panahon naging subok na ang kanilang pagtatambal on or off-screen man. Dahil sa kanilang nakapa-gandang chemistry ay talagang minahal sila ng publiko. Sila ang isa sa mga tambalan na napapabilang sa mga mahuhusay na aktres at aktor. Bukod sa kanilang pagiging loveteam, mas kinakikiligan sila ng kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang magandang samahan. Sa katanuyan, simula noon hanggang sa ngayon ay mas lalo pang tumitibay ang kanilang relasyon at napapanitiling balanse ang personal na buhay kahit na abala sila sa kanilang showbiz career.

Isa nga sa sikreto ng kanilang masayang pagsasama ay ang pagkakaroon nila ng oras para mamasyal, mag-relax, at sumubok ng mga bagong bagay. Isa rin ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon nila ni Kathryn at Daniel. Excited na rin ang dalawa sa susunod na mangyayari sa kanilang relationship. Tinagurian nga sila ng mga netizens na hashtag ‘couple goals’ dahil talaga namang nagiging inspirasyon sila sa kapwa nila kabataan.

Mahilig sina Kathryn at Daniel sa adventures at sa kanila ngang social media accounts tulad ng Instagram at Youtube ay makikitang halos naliot na nila ang buong mundo. Sa katunayan, kamakailan lang ay isa na namang adventure ang ginawa ng dalawa para ipagdiwang ang kanilang 10th anniversary bilang magkasintahan. Nauna na si Kathryn sa nasaing lugar ngunit naiwan muna sa Daniel para sa presscon ng kanilang sucessful teleserye na ‘2 Good 2 Be True’ na talaga namang mainit na tinanggap ng mga tao.

Saad pa ni Daniel, “Si Kathryn nandun somewhere ngayon. Somewhere only we know. Secret lang pero tomorrow susunod ako. Kailangan ko lang siyempre mag-representa. Anniversary namin. Mag-te-ten-year anniversary na kami sa May 25 kaya dun kami pupunta.” Nagpapasalamat naman si Daniel dahil kahit na medyo matagal silang hindi nakagawa ng teleserye ay hindi pa rin nagbago ang pag-suporta sa kanila ng publiko.

“Sobrang positive kasi nung show. Good vibes yung show, feel good. Lalo na sa panahon ngayon sobrang sakto. I think dun nanggagaling yung saya ng tao. I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapag-serye and now andito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto,” aniya pa.

 

 

COMMENTS