Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!

Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!


Ang dalawang taong tunay na nagmamahalan ay inihaharap ang isa’t isa sa dambana ng simbahan. Kung saan ito ay simbolo ng kanilang kagustuhan na bumuo

Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!
Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.

Ang dalawang taong tunay na nagmamahalan ay inihaharap ang isa’t isa sa dambana ng simbahan. Kung saan ito ay simbolo ng kanilang kagustuhan na bumuo ng kanilang sarili pamilya. Kaya naman sa pagpapakasal nararapat lamang na maging handa sa pagbubuo ng pamilya.

Ganito na lamang ipinakita ng isang groom na kinilalang si Ploy Thadeus Garcia ang kanyang napakagandang sorpresa para sa kanyang bride na si Paola Berbardo Garcia. Batid ni Ploy na ang pag-aasawa ay hindi madali lalo pa’t pagsisimula rin ito ng lahat pagsubok sa kanilang mag-asawa maging sa hirap at ginhawa.

Kaya naman upang hindi na maghirap ang kanyang asawa niregaluhan niya ito ng nakakalulang Php1 million savings at napakamahal sa necklace. Sa naturang savings na inihandog ni Ploy naglalaman ng tig Php500,000 para sa anumang magiging gastusin ng kanilang magiging anak. Samantala, ang natira naman sa savings na ito ay para na sa kanyang asawang si Paola.

Ibinahagi mismo ni Paola sa kanyang social media account ang ginawang sopresa sa kanya ng kanyang mapapangasawa.  Saad ni Paola, “Savings namin na natira since pinili namin na mag-intimate wedding lang. Then na shock lang ako kasi nagawa lang niyang one million. So ‘yun’ yung surprise. Hindi ko alam paano niya nasaktong one million. Kasi less than one million or maliit na portion lang ‘yung natira sa sa savings namin. na para nga sa baby tapos para dun sa obligasyon ko.”

Nakakamangha ang ginawang pag-iipon at pagtitipid ni Ploy upang mabigyan si Paola ng isang magandang buhay. Umani ng samu’t saring reaksyon ang post na ito ni Paola, kung saan ang iba ay mapapa-sana all na lang talaga.

COMMENTS