Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!

Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!


Sa kabila ng pagod na dulot ng nagdaang halalan buong puso namang tinanggap ni Senator Manny Pacquaio ang kanyang hindi pagkapanalo bilang Presidente

Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.
Jinkee Pacquiao, sisiguraduhin na kapag siya ang naging First Lady hindi siya magiging kagaya ni dating Imelda Marcos!
Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.

Sa kabila ng pagod na dulot ng nagdaang halalan buong puso namang tinanggap ni Senator Manny Pacquaio ang kanyang hindi pagkapanalo bilang Presidente ng bansa. Matapos ang tensyon ng halalan ay minabuti naman ng mag-asawang Jinkee at Senator Manny ang magbakasyon.

Sa kanilang Instagram stories, masayang ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang vacation mode sa napakaganda at napakalinis na bansang Japan. Samantala, una naman na ibinahagi ni Jinkee ang kanilang paglipad sa bansang Japan kasama ang kanilang bunsong anak at ang pamilya ng kanyang kambal na kapatid.

Sa kanilang pamamalagi sa Japan, naibida ni Jinkee ang presyo ng mga gamit na kanilang nabili, tulad na lamang ng Dior Vibe sneakers mismo ni Jinkee na nagkakahalaga nang $995 dollars o kulang kulang Php52,000. Ang Dior Book Tote na mukhang large ang size ay nagkakahalagang $3,500 o P182,000 habang ang luggage naman nito na collab ng Christian Dior at Rimowa ay nagkakahalagang $4,100 o P213,000.

Makikita rin sa Instagram post niya ang kanilang larawan ni Senator Manny habang nasa Ginza Six na matatagpuan sa Tokyo, kabisera ng Japan. Isa rin sa kanilang mga post ang pagdalo nilang mag-asawa sa “Manny Pacquiao Marathon 2022” sa Tochigi Wanpaku Park ng Manny Pacquiao Foundation.

Masaya naman ang kanilang mga fans dahil nakikita sa kanilang mga mukha ang kanilang enjoyment ng magkasama at talagang quality time ang binigay nila sa isa’t isa.  Dala na rin ng pagod nila sa kaliwa’t kanang pangangampanya nitong mga nagdaang linggo ang kanilang masayang bakasyon.

 

 

COMMENTS