Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.

Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.


Ang showbiz columnist at talent manager ngayon na si Lolit Solis ay may katapat na sa mga laging pangba-batikos nito sa mga artista. Ito nga ang kanya

ALAMIN: “Be kind to her”, Lolit Solis umiyak sa sulat na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino!
Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.
Lolit Solis, pinaghahanap ngayon ang mga celebrity stars na nagmayabang nito lamang nakalipas na halalan: “Huwag masyadong righteous!”

Ang showbiz columnist at talent manager ngayon na si Lolit Solis ay may katapat na sa mga laging pangba-batikos nito sa mga artista. Ito nga ang kanyang anak na si Sneezy, hindi pinalampas ng kanyang anak na pagsabihan ang kanyang ina sa palaging pambabatikos nito sa singer-actress na si Angeline Quinto.

Ayon kay Sneezy, sinabihan niya di-umano ang kanyang in ana magdahan-dahan sa pagkokomento patungkol kay Angeline lalo pa’t wala naman umanong ginagawang masama sa kanya ang singer-actress. Sa Instagram post ni Manay Lolit, kanyang sinabi na kinausap at pinagsabihan siya ng kanyang anak at nagpag-alaman din niyang kaibigan pala ng kanyang anak ang handler ni Angeline.

Saad ni Manay Lolit, “Kaibigan pala ng anak ko na si Sneezy si Kate na handler/manager yata ni Angeline Quinto, Salve. At nakiusap ang anak ko to take a second look kay Angeline Quinto.” Aniya, wala naman daw siyang galit sa actress-singer at sa katunayan ay hindi pa raw niya ito nakakadaupang palad at ang mga sinasabi niya ay pawang mga opinyon niya lamang dahil hindi magaganda ang mga ito.

“Wala naman akong personal na galit kay Angeline, at never naman kaming nagkaruon ng chance na magkilala. Iyon opinion ko, dala ng mga nababasa at napapanuod ko. “Ang punto ko lang, iyon mga issues, dapat tinitignan nilang mabuti para hindi maging minus factor sa isang celebrity. Tulad ngayon, may mga items na naman na ‘Angeline sa BF humihiram ng pera ‘, maganda ba ang issue na ito para sa isang babae tulad ni Angeline?”, dagdag pa niya. Sabi naman si Sneezy sa kanyang ina na dapat daw ay maging maingat ito sa mga balita patungkol singer-actress lalo pa’t first time mom ito.

Ika pa ni Manay Lolit, “Bakit hindi ang pagiging mahusay na singer, talented na babae ang bigyan pansin sa kanya. Or iyon focus sa pagiging ina kahit pa nga out of wedlock ang anak niya. Hindi lahat ng news good sa isang celebrity, tutoo man na good or bad, basta may balita about you Ok na, magiging stigma parin iyon, Mas maganda na sa umpisa pa lang, positive na ang balita about you para mas magaan.”

 

COMMENTS