Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!

Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!


Isang kakaibang spot ngayon ang pumatok sa mga turista sa bayan ng Negros Oriental. Dahil sa nakakamanghang “Floating sari-sari store” nito sa Manjuyo

Owner spent money on vet services only to find out his dog was faking his limp because of one reason.
Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.
Dalagang nagtrabaho bilang kasambahay noon, Licensed ‘Pharmacist’ na ngayon.

Isang kakaibang spot ngayon ang pumatok sa mga turista sa bayan ng Negros Oriental. Dahil sa nakakamanghang “Floating sari-sari store” nito sa Manjuyod Sandbar sa Bais Negros Oriental. Ito ay isang bangkang umiikot na puno ng mga paninda na inaalok sa mga turista upang hindi na nila problemahin ang paghahanap ng mga kakain nilang snacks sa kanilang pamamasyal sa naturang isla.

Nakunan ang larawan ng floating sari-sari store na ito at ibinahagi ng mismong travel blogger na si Melo Villareal. Ang isla ng Manjuyod Sandbar ay itinuturing na “Maldives of the Philippines.” Sikat ito sa mga turista dahil sa puting buhangin sa dalampasigan nito at mayroon din itong dolphin watching.

Sa caption ni Melo, “Floating Convenience Store? We call it SEA-ven Eleven.” Makikita sa floating sari-sari store na ito ay mga panindang chips, instant coffee, biscuits, soda at beer. Ang mga karaniwang customer nito ay ang mga turistang namamasyal doon at nag-i-stay sa mga cottage na nasa dagat.

Ayon kay Melo, tuwang-tuwa ang mga turista sa floating sari-sari store dahil hindi lamang isang bangka ito kundi tatlong bangka ang nakita niyang umiikot sa pagtitinda. Hindi lang sa mga turista pumatok ang floating sari-sari store na ito kundi pati sa mga netizens na nakakakita nito online. Kaya naman super approved ito sa mga netizens, dahil ayon sa mga ito maayos na paraan ito ng paghahanapbuhay at napaka-convenient para sa mga turista kahit may kamahalan ang presyo ng mga paninda.

Kagaya na lamang ng presyo ng yelo na nagkakahalaga ng Php100. Samantala, may mga netizens rin na concerned naman sa pagkalat ng basura sa dagat kaya sana raw ay responsable ang mga vendors at customer nito.

 

COMMENTS