ALAMIN: Liza Soberano aalis na sa poder ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, at magiging bagong talent manager na si James Reid?


Ang TV-actor at singer na si James Reid ay tumungo ngayon ng USA upang doon na ipursue ang kanyang showbiz career. Maraming opportunity ang nagbukas k

Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’.
Viral ngayon ang video ng aktor na si James Reid, dahil sa paghalik di-umano sa kanya ng isang lalaki!

Ang TV-actor at singer na si James Reid ay tumungo ngayon ng USA upang doon na ipursue ang kanyang showbiz career. Maraming opportunity ang nagbukas kay James ng piliin niyang manatili na lamang sa USA. Bukod kay James marami ring mga artista ang subukan ang showbiz career sa ibang bansa.

Isa na nga rito ang TV-actress na si Liza Soberano, inamin mismo ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz na gustong ipagpatuloy ng aktres ang kanyang acting career sa hollywood. Kaya naman pinili niyang maging bagong talent manager si James Reid sa US-Toff C. Ito umano ang gusto ng aktres upang maging daan niya na maisakatuparan niya ang kanyang career.

Ito ay ibinahagi mismo ni Ogie sa kanyang YouTube vlog at hanggang May 31, 2022 na lamang raw ang kanyang kontrata kay Liza bilang talent manager nito. Malungkot man para kay Ogie na bitiwan si Liza ang aktres na umano ang may gusto na subukan ang kanyang career sa ibang bansa. Kaya naman sino nga ba naman si Ogie upang tutulan ang pangarap ng kanyang alaga.

Saad ni Ogie, “Nag-decide si Liza na di na mag-renew through a long Viber message na magalang naman ‘yung bata in fairness. And tsaka paghappiness nung tao ‘yung concern, binibigay ko ‘yan.”

“Kahit sa pag-aalaga ng talents, kapag may nagpapaalam sa akin na aalis na, go. Ang sine-save ko kasi ‘yung friendship. Kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan niyo eh. Hindi niyo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata or wala na akong nabibigay na project sa bata. Hindi don nagtatapos ang relasyon.”

Mas mahalaga naman kay Ogie ang magiging kasiyahan ni Liza kaya naman labis niyang naiintidihan ang desisyon nito. Ipinahayag din ni Ogie na gusto ni Liza na kaya gusto nito ang ituloy Hollywood ang kanyang acting career ay upang mapatunayan pa na mayroon pa siyang ilalabas na kagalingan bilang isang mahusay na aktres.

Ika pa ni Ogie, “Kasama don sa mensahe niya sa akin ay gusto niya mag-try sa Hollywood and siyempre hindi naman ako ‘yung tipong alam ko rin hanggang Hollywood. Kumbaga, hanggang dito lang ‘yung kaalaman ko bilang manager.” Naniniwala naman si Ogie na hindi pababayaan ni James at ng kanyang team si Liza. Kaya hangad niya ang kaligayahan ng aktres patungo sa pangarap nitong maging isang Hollywood star.

COMMENTS