Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!

Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!


Ang isang ama ay maituturing na haligi ng tahanan kung wala ang ina siya na rin ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Kaya naman lahat ay gagawin ng isa

Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!
Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.
Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!

Ang isang ama ay maituturing na haligi ng tahanan kung wala ang ina siya na rin ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Kaya naman lahat ay gagawin ng isang responsableng ama para sa kanyang mga anak. Kahit siya na rin ang gumagawa ng gawaing ng isang ina ay kanyang gagawin, lahat ay kakayaning pagsabayin ang paghahanapbuhay, pag-aalaga at pagpapalaki ng maayos sa mga anak. Tulad na lamang ng isang masipag na ama na ibinahagi ni Cristina Cabaรฑero Birao, ang sitwasyon ng mag-amang ito habang siya ang naglilibot sa kanilang barangay. Naabutan niya ang amang kinilalang si Brian mula Brgy. Batasan Quezon City, at karga-karga ang isang buwan pa lamang niyang anak habang inilalako ang kanyang mga paninda.

Ngunit, imbis na sitahin ito ni Cristina awa ang kanyang naramdaman sa mag-ama, dahil sa gitna ng pandemya ginagawa lahat ng amang ito ang kanyang responsibilidad upang maipadama sa kanyang anak ang pagmamahal nito bilang isang ama. Ayon sa amang si Brian, hindi siya tumigil sa paghahanapbuhay pinagsasabay niya ang pag-aalaga sa kanyang anak sa kanyang paglalako kahit alam niyang delikado na ilabas ang kanyang anak. Hindi na niya alintana ito dahil kinakailangan niyang maghanapbuhay para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Labag man sa kalooban ni Brian hindi niya maaaring iwan ang kanyang bagong silang na anak dahil wala umanong mag-aalaga nito. Matapos silang iwanan ng kanyang asawa at dala nito ang isa pa nilang anak. Kaya naman upang makatulong si Cristina kahit papaano sa mag-ama nanawagan ito na social media para mabigyan ng panimulang mapagkakakitaan ang amang si Brian. Upang sila ay hindi na kailangan pang lumabas kasama ang kanyang anak sa kanyang paglalako.

Narito ang kabuuang post ni Cristina,

king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya.

nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay.

opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)

humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜PLS..RESPECT my post po***

COMMENTS