Isang nakakamanghang senior citizen ang matiyagang nagkolekta ng 36,000 tickets sa video arcade para sa kanyang pangarap na air fryer!

Isang nakakamanghang senior citizen ang matiyagang nagkolekta ng 36,000 tickets sa video arcade para sa kanyang pangarap na air fryer!


Nauuso talaga sa panahon ngayon ang paglalaro ng mga video games lalo na sa mga kabataan. Tunay nga namang nakakaalis ito ng pagkabagot dahil sa kasiy

Kim Chiu and Xian Lim aid to spread awareness for Myanmar coup in response to fans’ request.
New Normal: Mobile Graduation ng isang paaralan sa Antique, gumamit ng kalabaw.
Yan ang Pinoy! Dalawang Singapore-based na Pilipino, panalo sa World Gourmet Awards.

Nauuso talaga sa panahon ngayon ang paglalaro ng mga video games lalo na sa mga kabataan. Tunay nga namang nakakaalis ito ng pagkabagot dahil sa kasiyahan na dala nito, dahil hindi lang basta kasiyahan ang dinadala nito kundi may mga papremyo rin na mas lalong kinagigiliwan ng lahat. Ngunit, sino nga ba naman ang mag-aakala na pati mga matatanda ay ito na rin ang kinagigiliwan.

Tulad na lamang ng isang senior citizen na ito na nanalo ng 36,000 tickets sa kanyang paglalaro sa isang video arcade sa isang mall. Siya ay kinilalang si Nanay Erlinda Isidro 66-taong gulang na isang residente ng Pasay City. Kwento ng anak ni Nanay Erlinda na si Janine Laguidao matagal na raw na libangan ng kanyang ina ang paglalaro sa video arcade. Saad ni Janine, “Sa MOA po siya laging naglalaro. Matagal na po siya naglalaro, e,” “Hindi ko na po matandaan kung gaano katagal. Siguro po mga since 2012 po yata. “Pang-libang at palipas-oras niya lang po para mag-enjoy po.”

Talo pa nga raw ni Nanay Erlinda ang mga batang kasabayan niyang naglalaro sa video arcade sa mall. Kaya naman ang pagkahilig ni Nanay Erlinda sa paglalarong ito ay nakakolekta siya ng 36,000 tickets ang kanyang napanalunan na siyang naging kapalit ng air fryer kapalit ng kanyang mga naipong tickets. Isa ito sa mga kagamitang kinahuhumalingan ni Nanay Erlinda dahil usong-uso ito sa panahon ngayon. Sa labis na pagkagalak ibinahagi ni Janine ang larawan ng kanyang ina habang hawak nito ang air fryer na kanyang naipalit.

Sa post ni Janine na may caption na, “Yung Nanay kong kakalaro sa Tom’s World. Nakapagpalit ng AIR FRYER.” Para kay Janine kahit daw malaki ang kanilang nagastos, ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kaligayah ng kanyang ina.

 

 

COMMENTS